LOUISE'S POV
- POLICE STATION -
"Patawarin mo ako Louise sa nagawa ko sa'yo. Masyado akong naging desperada na makuha ko ang gusto ko." sabi sa'kin ni Princess habang nakaluhod. Tumawag sa'kin ang isang pulis kanina na nahuli na raw nila si Princess kaya agad akong nagpunta dito sa presinto.
"Tumayo ka Princess." utos ko sa kanya. Tumayo naman siya habang nakayuko.
"Kalimutan na natin ang nangyari. Magsimula na tayo ng bagong buhay." sabi ko kay Princess. Napatingin naman siya sa'kin at nakita ko ang saya sa mukha niya.
"Salamat Louise. Ang bait mo talaga. Kaya ka siguro nagustuhan nina Fredison at Billy." - Princess
"Pero kailangan mo pa rin pagbayaran ang mga kasalanan mo lalo kay Billy." sabi ko sa kanya.
"Handa akong pagbayaran yan dito sa kulungan. Salamat ulit Louise." sabay yakap sa'kin ni Princess. Niyakap ko naman siya pabalik.
📌
Pagkalabas ko ng Police Station ay tumunog ang cellphone ko. Tumawag si Sir Stevie.
"Hello Sir Stevie. Napatawag po kayo? May nangyari po ba kay Billy?" tanong ko sa kanya. Siya kasi ngayon ang nagbabantay sa kapatid niya at pauwi na rin ako sa boarding house.
("Gising na ang kapatid ko Louise. At ikaw ang hinahanap niya.") - Sir Stevie
Natuwa naman ako sa sinabi ni Sir Stevie at dali-dali akong pumunta sa hospital.
Gising na siya.
Gising na ang mahal ko.
BILLY'S POV
"Papunta na siya ngayon kapatid ko." sabi sa'kin ni Kuya Stevie. Tumango naman ako. Medyo gumagaan na ang loob ko kay Kuya Stevie. Nakita ko kung paano niya ako alagaan dito sa hospital. Kahit kinakamuhian ko siya ay inaalagaan pa rin niya ako.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na si Louise. Ang babaeng gusto kong makita ngayon.
"Lalabas muna ako para bigyan kayo ng moment." sabi ni Kuya Stevie at lumabas na siya.
Lumapit naman sa'kin si Louise at niyakap niya ako.
"Salamat sa Diyos at gising ka na." sabi ni Louise habang yakap-yakap niya ako.
"Oo naman, gising na gising na ako at hindi ko pwedeng iwanan ang babaeng mahal ko." sabi ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita Billy." sabi ni Louise na ikinangiti ko. Kahit narinig ko na yan mula sa kanya ay napapangiti pa rin ako.
"Louise, can I officially court you?" tanong ko kay Louise. Eh kasi noong tinanong ko siya ng ganyan ay wala siya sa sarili nun.
"Oo naman. Dati pa kita pinayagan. Please court me Billy." sagot niya sa'kin na ikinatuwa ko.
"YES!" sigaw ko sa tuwa. Kung maging kami man ni Louise ay aalagaan ko siya at ibibigay ko ang best ko para maging matatag ang relasyon namin.
At sisiguraduhin ko ring siya na ang 'THE ONE' ko.
**********
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Roman pour AdolescentsSerenader 18: BILLY WILLIAMS