LOUISE'S POV
Ito na.
Magsisimula na ang pre-pageant ng Miss DGUP 2016. Kahit pre-pageant pa lang 'to ay kinakabahan na ako. Hindi nga ako masyado nakatulog kagabi dahil dito. I'm sure hindi ako makakapasok sa Top 8 nito.
"Wag kang kabahan Louise. Nandito lang kami para suportahan ka. Gumawa pa nga kami ng banner para sa'yo. Ayun oh." sabi sakin ni James sabay turo sa banner na ginawa nila.
"Aww! Thank you sa inyo hah." sabi ko sabay yakap kay James.
"Ehem!" biglang umubo si Fredison. Napabitaw naman ako sa pagkakayakap kay James. Oo nga pala, seloso pala 'tong si Fredison.
"Ayos na ba ang susuotin mo?" tanong sakin ni Billy the Monster.
I'm sorry.
I'm sorry.
I'm sorry.
Ayan na naman tayo sa sorry na yan. Ang OA mo na Misa Dyosa.
(Okay may bago na po tayong...)
Joke lang Miss Dyosa. ^_____^V
(Ang arte-arte mo talaga Louise. Alam ko namang kinikilig ka. Ayieeeee!)
Pagpasensiyahan niyo na po si Miss Dyosa. May topak din yan minsan. Okay, back to story na nga.
Papunta na kami ngayon sa school kung saan gaganapin ang pageant.
Nang nakarating na kami sa school ay ang sama na naman ng tingin sakin ng mga estudyante dito lalo na yung mga babae. Alams na.
('Alams na' means 'Alam niyo na'.)
Pumunta ako kasama ang tatlong hunks sa backstage.
Pagdating namin dun ay pinigilan kami ng isang Prof.
"Bawal ang mga boys dito." sabi samin ng Prof.
"Sige, dun na lang kami sa baba maghihintay Louise. Goodluck hah. Sana manalo ka." sabi sakin ni Fredison at hinalikan niya ako sa pisngi.
*dug dug dug*
Waaaaaa! Ano ba Fredison. Pinapakilig mo ako.
Umalis na silang tatlo. Pumunta na ako sa backstage para mag-ayos.
Pagpasok ko pa lang, narinig ko agad ang sinabi ni Princess.
"I'm sure mapapasali agad ako sa Top 8. Sa ganda kong 'toh." pagmamayabang na sabi ni Princess.
"Oo naman idol and I'm sure na ikaw ang mananalo sa Miss DGUP 2016 unlike the others lalong-lalo na siya." sabi ng isang babae na nag-aayos ng buhok ni Princess.
"Yeah right." - Princess
Hindi ko na lang sila pinansin. Alam ko naman kung sino ang 'lalong-lalo na siya' ang tinutukoy ng babae.
Pumunta na ako sa pwesto ko kung saan nandun sina Kate at Ate Kath. Inikli ko na lang yung Kathleen. Ang haba kasi like Kateleen. Kate na lang. Bwahahaha! Ang galing mag-isip ng name ni Miss Dyosa.
"Nandyan ka na pala Louise. Aayusan ka na ng mga stylist ko. Ladies." sabi ni Ate Kath sabay palakpak. Nagsilapitan naman ang mga babae at inayusan nila ako, minake-upan nila ako, pinagsuot ng deadly weapon (high heels), may kung ano-ano silang ginagawa sa buhok ko, etc, etc. Napasobra ng isa ang etc ko.
Pagkatapos nila akong ayusin ay pinaharap nila ako sa salamin. Grabe, ang ganda naman ng babaeng kaharap ko.
"Sino siya?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"HAHAHAHAHA!" nagtawanan naman sila. Ano ba ang nakakatawa?
"Ikaw yan Miss Louise." sagot sakin ng isang babaeng stylist. Tinignan ko yung mirror sa harap ko at dun ko na-realize na ako pala ang nasa salamin. Hinawakan ko ang mukha ko.
"Ang ganda mo Miss Louise." sabi sakin ng isa pang babaeng stylist.
"Ako nga toh." sabi ko na hindi pa rin makapaniwala. Mas maganda ako ngayon kaysa dati. Ito na ba si Louise Perez Version 2.0.
"Halika na po Miss Louise." sabi sakin ng babaeng stylist. Tumango naman ako at tumayo. Maraming nakatinging contestant sakin. Halos lahat sila ay nakangiti sakin maliban lang sa kampon nila Princess. Ang sama ng tingin nila sakin. Pero hindi ko sila pinansin lalo na't masaya ako ngayon. Mukhang magiging maganda ang gabi ko ngayon.
**********
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS