(36) #TMMTHHomeSweetHome

2.5K 121 0
                                    

LOUISE'S POV

- NEXT DAY -

Ma-mi-miss ko ang Palawan. Kailangan kasi naming umuwi dahil bukas na yung exam namin. Sayang nga eh. Kung wala nga lang exam bukas baka one week pa kami mag-stay dito.


"Tara na guys." sabi samin ni Fredison. Sabay-sabay kaming pumunta sa airport. 


Nang makasakay na kami sa eroplano ay kitang-kita ko sa bintana ang buong Palawan habang lumilipad na ito. Wow! Ang gandang tingnan ang buong Palawan kapag nasa taas ka. Mapapanganga ka sa ganda ng tanawin. Sayang lang dahil wala sina Billy at Ate Kath para makita nila ito.


BILLY'S POV

Hay salamat! Makaka-uwi na rin kami sa Pinas. Hindi ko na kaya ang pag-uugali ni Princess.


"Baby, kapag nasa Pilipinas na tayo ay mamasyal tayo hah." malanding sabi sakin ni Princess.


"Tsk." ang nasabi ko na lang. Nang maglanding na ang sinasakyan naming eroplano ay agad-agad akong tumayo dala ang luggage ko.


"Baby, wait for me." sabi sakin ni Princess habang tumatakbo.


"Shut up!" sabi ko sa kanya.


LOUISE'S POV

Nandito na kami sa tapat ng boarding house.


Pagpasok namin sa boarding house ay nandun na rin si Billy.


"Brad." - Fredison


Lumapit si Fredison kay Billy at nagyakapan sila.


"Kumusta ang bakasyon?" tanong ni Billy kay Fredison.


"Sobrang saya ng bakasyon namin. Sayang at hindi kayo kasama ni Kathleen." sagot ni Fredison kay Billy. Pumunta na ako sa kwarto ko dala ang luggage ko para magbihis ng damit pambahay.


Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa kusina para magluto ng pananghalian.


- NEXT DAY -

Ang dali lang ng exam kapag nag-aaral ka. Wala pang 30 minutes ay pinasa ko na ang test paper ko sa baklang adviser namin. Ako nga ang naunang natapos eh. Hanggang 150 items yung exam hah. Sinagot ko rin ang mga test papers sa ibang subject at ang dadali lang ng sagot. Identification type ang exam namin. Buti na lang at nag-aral ako ng mabuti kaya agad akong nakasagot.


Sa buong exam day ay ako ang naunang natapos. Sumunod ay ang tatlong hunks at ang buong klase maliban lang kay Princess dahil siya ang pinakanatagalang natapos. Mukhang pursigido siyang makapasa. Gusto kasi niyang mapabilang sa Star Section. May chance pa siya dahil hindi pa naman yun final list na sinabi ng baklang adviser namin.


- LUNCH BREAK (CAFETERIA) -

"KYAAAAAAAAAAAAA!" 


Biglang nagtilian ang mga babae dito sa cafeteria. Malamang nakakita na naman ng gwapo ang mga yan.


"Hi ladies." bati ng isang pamilyar na boses. Si James yun hah. 


Napatingin kami ni Kate sa kanya at nakita namin siyang kumakaway sa direksyon namin. Akala ko ba may basketball practice sila ng tatlong hunks?


"OMG! He waved at me."


"No! He waved at me."


"No Sis, he waved at me."


Ayan na naman po tayo. Hoy mga assumerang babae! Kami ni Kate ang kinawayan ni James at hindi kayo. Ang sarap nilang batukan para magising sila sa katotohanan.


"Hi rin James." bati naman ni Kate kay James sabay iwas ng tingin. I smell something fishy...


Lumapit sakin si Fredison at may ibinulong sa tenga ko.


"Hi Prinsesa ko." bulong na bati niya sakin. Heto naman ako, kinikilig. Simpleng bati lang niya sakin ay kinikilig na ako.


"Hi." tipid at walang emosyon na bati samin ni Billy. Mukhang pagod yata siya. Halata kasi sa kinikilos niya.


KATE'S POV

Kawawa naman si Billy my loves. Mukhang napagod yata siya dahil sa taping at sa pag-aaral ng mga notes niya para sa exam. 


Umupo ang lalakeng mahal ko sa tabi ni Louise. Hindi ko mapigilang magselos sa kaibigan ko.


"Okay ka lang ba?" tanong ni Louise sa lalakeng mahal ko.


"Yeah." sagot niya at ngumiti siya kay Louise. Ang swerte talaga ni Louise. Nginitian siya ng lalakeng mahal ko. 


Halatang may gusto sa kanya ang lalakeng mahal ko kaya hindi ko mapigilang magselos.

**********

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon