LOUISE'S POV
Kinakabahan ako ngayon dahil magsisimula na mamaya ang Miss DGUP 2016. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasok ako sa Top 8. Hindi naman ako maganda eh. Well, gumanda lang naman ako dahil sa make up. Isa lang akong simpleng babae. Pero ito na ako ngayon, sasabak sa isang beauty pageant.
"Okay ka lang ba Prinsesa ko?" tanong sakin ng Prinsipe kong si Fredison.
"Prinsipe ko, kinakabahan ako." sagot ko sa Prinsipe ko. Okay ba ang endearment namin ni Fredison? Hehehe!
"Naks naman. Nakaka-inggit naman yan." sabi samin ni James.
"Ikaw kasi, magseryoso ka na. Tigilan mo na yang pagiging playboy mo. Hanapin mo na ang babaeng magpapasaya sa'yo." sabi ng Prinsipe ko kay James. Tama si Prinsipe ko. Kailangan mahanap na ni James ang true love niya.
"Oo nga naman Brad." sabi ni Billy sabay akbay kay James.
"Susubukan ko. Makapagbihis na nga." sabi ni James sabay lakad papuntang kwarto niya.
"Ako rin." sabi naman ng Prinsipe ko at pumunta siya sa kwarto niya. Kami na lang ni Billy ang naiwan sa sala.
"Good luck nga pala sa'yo. Sana manalo ka." nakangiting sabi sakin ni Billy.
"Salamat." tugon ko sa kanya. Oo nga pala, ilang araw ko na ring napapansing hindi na ako sinusungitan ni Billy. Nakakapanibago nga eh.
*ding dong*
"Ako na." sabi sakin ni Billy. Ako naman ay napatingin sa salamin. Nakaka-miss naman ang dating ako. Yung hindi pa ako maganda. Nakaka-miss din sina Tita at ang pinsan kong si Charisse kahit na hindi maganda ang pagtrato nila sakin. Nakaka-miss din si Mama.
Bigla ko naman naalala ang Papa ko. Kumusta na kaya siya? I'm sure masaya na siya ngayon kasama ang pamilya niya.
"Bes, okay ka lang ba?"
Bumalik naman ang pag-iisip ko nang magsalita si Kate. Nandito na pala siya kasama yung kakambal niya.
Tumango lang ako.
"Ready na ba kayo sa gaganaping Miss DGUP 2016?" tanong samin ni Ate Kath. Nag-yes naman kami ni Kate. Nakita ko naman ang tatlong hunks na bihis na bihis na. Oo nga pala, kasama ko pala sila sa talent portion ko.
#LetThePageantBegin
*********
Sino kaya ang mananalo sa Miss DGUP 2016?
A. Princess Sy
B. Kateleen Keet
C. Louise Perez
D. None of the aboveComment your bet.
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Novela JuvenilSerenader 18: BILLY WILLIAMS