LOUISE'S POV
"Sigurado ka bang papasok ka ngayon Bes?" tanong sakin ni Kate. Nga pala, napag-isip-isip ko kahapon na bigyan ko ng chance si Billy na manligaw sakin. Mukhang seryoso naman siya sa feelings niya sakin. Uy! Hindi ko siya ginagawang panakip butas hah.
"Oo Bes. Ayaw kong ma-missed ang mga lessons ni Sir Stevie at iba pang mga professors." sabi ko kay Kate. Naku! Mahirap nang umabsent ngayon dahil strict na ngayon ang mga professors sa school namin maliban lang kay Sir Stevie na sobrang bait talaga. Nalaman kong magkapatid talaga sila ni Billy pero parang hindi naman sila close. Ang sama nga ng tingin ni Billy kay Sir Stevie eh. Hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit ganyan si Billy kay Sir Stevie.
"O sige. Ikaw Billy, papasok ka ba?" tanong ni Kate kay Billy.
"Hindi muna ako papasok ngayon. Merong pa akong lakad ngayon." sagot ni Billy kay Kate.
"Saan naman ang lakad mo ngayon?" tanong ko kay Billy.
"Pupunta ako sa NAIA Terminal mamaya. Ngayon kasi darating ang lalakeng pinsan ko." sagot sakin ni Billy. Tumango naman ako. Pumunta na ako sa CR para maligo at maghanda para sa school.
- DE GUZMAN UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES -
Pagpasok namin ni Kate sa school ay may grupong puro mga kababaihan ang nag-uusap na pumukaw sa atensyon namin.
"Girls, nabalitaan niyo na bang nasa hospital ngayon si Idol Princess."
Ha? Si Princess? Nasa hospital? Ano naman ang ginagawa niya dun?
"Alam na namin yun girl. Naaksidente raw si Idol Princess kaya nasa hospital siya ngayon. Isang car accident."
Naaksidente si Princess?
"Kawawa naman si Idol. Buti na lang at nandun si Prince Fredison para alagaan siya."
Ouch! Ang puso ko. Parang may dumurog.
"Tara na Bes." sabi sakin ni Kate. Pumunta na kami ni Kate sa room namin.
Pagkarating namin sa room ay napatingin samin o di kaya'y sakin ang mga estudyante. Yung iba ay nakangiti sakin pero yung iba naman ay ang sama ng tingin sakin. Pero buti naman at walang gumugulo sakin since kumalat ang mga pictures namin ni Billy sa social media.
"Good morning class." bati samin ni Sir Stevie nang dumating na siya.
"Good morning Sir Stevie." bati namin sa kanya.
"Ngayon na ang audition para sa gaganaping Musical Play ng Les Miserables Filipino Version. Since nasa hospital ngayon si Princess, kailangan namin ng isang student na papalit sa papel ni Princess bilang Cosette. Nasa likod niyo ngayon si Mr. De Guzman para sa audition." sabi samin ni Sir Stevie. Isa-isa kaming nagpakitang gilas sa mini stage dito sa room at ako ang napiling gaganap bilang Cosette ayon kay Mr. De Guzman.
List of students will joined "Les Miserable The Musical":
Fredison Mirko as Jean Valjean
Kateleen Keet as Fantine
Louise Perez as Young/Adult Cosette
Billy Williams as Marius
James Charles as Javert
Queen Dyosa as Eponine
and the list goes on...
Wow! Si Author kasali. Aabangan ko siyang kumanta ng 'On My Own'.
Back to the story, yung iba ay natuwa sa cast ng Les Miserable Filipino Version pero yung iba ay naging masama ang tingin sa'kin dahil ako ang nakakuha ng role ni Cosette. Well, goodluck na lang samin nina Author at Kate.
**********
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS