LOUISE'S POV
Nang makarating kami ni tatay sa isang mansyon ay inalayan ako ng isang lalakeng naka-tuxedo at naka-shades na pumasok sa loob.
"Wow!" ang nasabi ko nang makapasok kami sa loob. Grabe! Ang daming tao sa loob at ang gaganda ng suot nila.
Pumunta kami ni tatay sa isang mesa na puno ng pagkain.
"Waaaa! Cake!" amazed na sabi ko nang may nakita akong isang pink na cake na may five layers.
Tumingin ako sa direksyon ni tatay at nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya. Hindi ko narinig kung ano ang mga sinasabi ni tatay dahil sa tugtog at sa ingay ng mga tao.
Binalik ko ang tingin sa cake.
"Hindi naman masama kung titikman ko ang cake di ba?" tanong ko sa isip ko.
Tama, tama, hindi yun masama dahil titikman ko lang naman yang cake na yan. At isa pa ay wala namang makakakita sa'kin dahil busy sila sa pakikipag-usap sa kausap nila.
Lumapit ako sa five-layer pink cake.
Idi-dip ko na sana ang hintuturo ko sa pink icing ng five-layer pink cake nang...
*lights off*
...biglang mamatay ang ilaw. Nagulat ako, hindi lang yata ako kundi pati na rin ang mga tao dito dahil sa pagkamatay ng ilaw.
"WAAAAAAA!" sigaw ko sa takot. Huhuhu! Wala akong makita dahil sa sobrang dilim.
Hindi ako makagalaw dahil sa takot.
Bigla namang lumiwanag.
*lights on*
Waaaaa! Buti naman at may ilaw na. Pero teka lang, bakit ang dilim ng paligid?
*music plays*
Natulala naman ako nang biglang may nag-play na music.
Pagkatapos ay biglang lumiwanag ang buong paligid. Teka, bakit nakatingin ang mga tao sa'kin? At nakangiti pa sila.
Now Playing: Thinking Out Loud by Ed Sheeran
When your legs don't work like they used to before 🎵🎶
And I can't sweep you off of your feet 🎵🎶
Will your mouth still remember the taste of my love? 🎵🎶
Will your eyes still smile from your cheeks? 🎵🎶
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS