(66) #TMMTHPlanForHerForgiveness

1.9K 92 1
                                    

LOUISE'S POV

Isang buwan na rin ang nakalipas nang malaman kong siya ang aking ama. At isang buwan na rin niya akong binibisita rito sa boarding house.


"Pwede po ba umalis na po kayo rito?" inis kong sabi sa kanya.


"Hindi ako susuko anak. Balang araw ay mapapatawad mo rin ako." sabi niya at umalis na siya.


Pagkaalis niya ay tumulo na ang mga luha ko. Bakit ganun? Bakit parang gusto ko siyang yakapin at patawarin?


Naalala ko bigla ang sagot ko dati noong sumali ako sa Miss DGUP 2016. Saktong siya pa ang nagtanong sa'kin noon.


*flashback*


"Ang magtatanong sa'yo ay si Mr. De Guzman. The president or respective owner of 'DE GUZMAN UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES'." - Emcee


Whaaat? Si Mr. De Guzman? Nakakakaba naman siya kahit nakilala ko na siya in person.


"Here's your question Candidate No. 7. How much you love your father and what will be your message to him?" tanong sa'kin ni Mr. De Guzman. Nainis ako bigla sa tanong niya. Sa dinami-dami ng tanong na naisip niya, yan pa talaga ang tinanong niya sa'kin. Alam niyo namang hate na hate ko ang tatay ko dahil sa pag-iwan niya sa'min ng Mama ko noong sanggol pa lang ako. Bawal naman ako sumagot ng negative dahil yun pa ang ikatalo  ko. Bahala na nga.


Huminga ako nang malalim.


"I love my father so much." panimula ko. Hala! Ano ang sinabi ko? Bakit biglang lumabas sa bibig ko na mahal ko ang tatay ko? Di pwede 'to.


"Kahit iniwan niya kami ni Mama noon ay mahal na mahal ko pa rin siya."


Biglang may tumulong luha sa mga mata ko.


"Gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang yakapin. At kung makita ko man siya. Sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal kita... aking ama. Thats all, thank you." sabi ko at naglakad na ako papunta sa pwesto ko. Nakalimutan ko nang mag-ala beauty queen dahil sa nararamdaman ko ngayon.


Maraming tao ang nagpalakpakan. Nang makarating ako sa pwesto ko ay niyakap ako agad ni Kate at umiyak.


*end of flashback*


Kaya pala niya tinanong sa'kin yan noon. Matagal na niyang alam ang tungkol sa'kin pero ngayon lang siya nagpakilala.


Pero papatawarin ko ba talaga siya sa huli?


Naguguluhan ako.


BILLY'S POV

"Kumusta po ang pag-uusap ninyo ng anak niyo?" tanong ko kay Tito.


"Ganun pa rin. Ayaw pa rin niya akong patawarin." sagot sa'kin ni Tito.


"Wag po kayong mag-alala Tito. Mapapatawad ka rin po niya balang araw. Wag po kayong mawalan ng pag-asa." sabi ko kay Tito.


"Salamat iho." nakangiting tugon niya. May bigla naman akong naalala kaya naka-isip ako ng paraan.


"Oo nga pala Tito, malapit na ang birthday ni Louise. Kung magpa-party po kaya tayo sa birthday niya. Tapos po ay magbigay tayo ng mga inspirational messages sa kanya. Malay niyo po ay patawarin ka po niya sa araw ng birthday niya." suggestion ko kay Tito.


"Malapit na pala ang birthday ng anak ko. Mukhang maganda ang naisip mo iho." sabi sa'kin ni Tito. Ngumiti naman ako.

**********

**********

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon