LOUISE'S POV
"Congratulations Bes." sabi ni Kate sabay yakap sakin.
"Congrats din sa'yo Bes." sabi ko naman sa bestfriend ko.
"Since nakasali tayo sa Top 8, it means celebration. Celebration means party." sabi ni Kate sabay hila sakin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Kate.
"Sa boarding house. Mag-pa-party-party tayo. Pina-decorate ko na yung boarding house ng tatlong papa mo. Tara." sagot sakin ni Kate at hinila niya ako hanggang sa parking lot. Tumigil kami sa isang van. Biglang bumukas yung van at nandun yung tatlong hunks at si Ate Kath.
"Sakay na kayong dalawa. Excited na ako sa party-party natin." sabi sakin ni James. Sumakay na kami ni Kate sa van.
"Congrats sa inyong dalawa lalong-lalo na sa'yo kambal. I'm so proud of you." sabi ni Ate Kath.
"Thanks Ate." sabi ni Kate sabay yakap sa kakambal niya.
"Congrats din sa'yo Louise." sabi sakin ni Ate Kath.
"Thanks po." - ako
Nang makarating na kami sa boarding house ay excited na bumaba ang tatlong hunks at ang kambal na sina Kate at Ate Kath. Edi sila na ang excited.
Pagpasok namin sa boarding house.
"Wow!" mangha kong sabi. Kasi naman ang daming balloons tapos may disco ball pa at may catering. Samahan mo pa ng music. Pang-party talaga.
"Louise." tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Kilala ko yun hah.
Napatingin naman ako sa tumawag sakin.
"Kuya Tisoy." masayang sabi ko. Tumakbo ako papalapit kay Kuya Tisoy at niyakap siya.
"Na-miss kita." sabi ko kay Kuya Tisoy.
"Namiss din kita." tugon naman niya sakin.
"Ehem."
Napatingin ako sa nag-ehem.
Si Fredison pala.
ALDREN'S POV
Grabe, nakaka-miss pala 'tong si Louise. Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nagkita dahil masyado akong naging busy sa trabaho ko.
"O bakit parang ang tamlay mo dyan Fredison?" tanong ni Louise sa lalakeng nag-ehem kanina. Fredison pala ang pangalan niya.
"Wala man lang akong yakap?" nagtatampong sabi nung Fredison kay Louise. Ha? Ano raw?
Bigla namang niyakap ni Louise yung Fredison na yun. Parang nainis ako bigla sa nakita ko.
"Wag kang nang magselos. Magkaibigan lang naman kami ni Kuya Tisoy." sabi ni Louise sa Fredison na yun. Bakit ganyan magsalita si Louise sa lalakeng yun?
"At isa pa, wala ka naman dapat ikaselos dahil ikaw lang ang mahal ko." sabi ni Louise na ikinagulat ko. Nakita kong naibuga ng isang lalaki ang kanyang iniinom na canned drink. Parang nanghina ako sa sinabi ni Louise sa Fredison na yun.
**********
Fredison and Louise together.
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS