(42) #TMMTHBreakUp

2.5K 108 0
                                    

LOUISE'S POV

May biglang umawat sakin sa pagsasabunot ko kay Princess. 


Si Fredison yung umawat sakin. Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak.


"Paano mo nagawa sakin 'to Louise? Paanoooo!" galit na sabi sakin ni Fredison. May biglang tumulong luha sa mga mata niya. 


"Minahal kita Louise. Minahal kita at ito lang ang igaganti mo sakin? Ang lokohin ako?" dagdag pa niya. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko dahil sa sinabi niya.


"Hindi yan totoo Prinsipe ko." naiiyak kong sabi sa kanya.


"Ano ba ang nangyayari dito?" tanong ng isang pamilyar na boses. 


Si Billy.


"Hayup ka!" - Fredison


Biglang lumapit si Fredison kay Billy at sinuntok niya ito. 


"Naging mabuting kaibigan ako sa'yo Billy. Pero ano ang ginawa mo? Niloko mo ako! May tinatago pala kayong relasyon ni Louise!" sigaw ni Fredison at sinuntok pa niya si Billy. Dali-dali kaming lumapit ni Princess at inawat namin si Fredison.


"Wag na wag mo nga siyang hahawakan malandi ka!" sabi sakin ni Princess sabay palo niya sa kamay ko. Napabitaw naman ako sa balikat ni Fredison.


"Hay naku Fredison! Umalis na tayo rito." sabi ni Princess kay Fredison. Napatingin naman siya sakin.


"Halika na." - Princess to Fredison


Wag kang sumama sa kanya Prinsipe ko, please.


"Tara." sabi ni Fredison at sumama siya kay Princess. Pero bago siya sumama kay Princess ay may sinabi sakin si Fredison na talaga namang ikinadurog ng puso ko.


"Break na tayo Louise. Simula ngayon ay amo mo na lang ako." sabi niya sakin at umalis na siya kasama si Princess. Yun na yata ang pinakamasakit na salita na natanggap ko.


At ito rin ang first heartbreak ko sa isang lalake.


PRINCESS' POV

Success! My plan is success! Kahit na hindi mapapasakin si Billy ay mapapasakin naman si Fredison. Ang swerte ko talaga. Baka nga si Fredison ang tinadhana para sakin. 


Nandito kami ngayon ni Fredison sa isang bar. Nagpapakalasing siya ngayon.


"Let's celebrate my break up with Louise. Cheers." sabi ni Fredison sabay taas ng isang bote ng alak.


"Cheers." masayang sabi ko at nag-cheers kami ni Fredison.


📌

Nang malasing na si Fredison ay hinatid ko siya sa kanilang boarding house. Buti na lang at natatandaan ko pa kung nasaan yun. 


Nang nasa boarding house na kami ay nandun si James. Inalayan namin ni James si Fredison papunta sa kwarto niya at hiniga namin siya sa kama niya. Binihisan ko rin si Fredison. At shet lang! Ang ganda ng katawan niya.


"Salamat sa paghatid kay Fredison." sabi sakin ni James.


"Naku wala yun. Buti na lang at nandun ako sa araw na pinagtaksilan siya ni Louise." sabi ko kay James. Syempre that was a lie. Hindi naman siya pinagtaksilan ni Louise. Sadyang sinira ko lang yung relationship nila. Kumuha ako ng isang professional photographer para makunan sila ng picture. Saktong hinalikan siya ni Billy at nakakuha ang hinire kong photographer ng nice shot.


Umalis na ako sa boarding house at pauwi na ako sa aking bahay na pagmamay-ari ko lang. May naisip pa akong isang plano at sigurado akong kamumuhian na siya ng mga tao lalo na ng mga estudyante sa DGUP.

**********

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon