LOUISE'S POV
Hindi na ako nagpahatid pa kay Billy dahil gusto kong mapag-isa. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit nang malaman kong si Mr. De Guzman ang aking ama. At hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil iniwan niya kami ni Mama noon kahit alam ko ang dahilan niya.
*flashback*
"Bakit mo kami iniwan ni Mama? Bakit?" galit at naiiyak kong tanong sa kanya.
"Patawarin mo ako anak. Wala akong nagawa para ipaglaban ko kayo. Pinagbantaan ako ng mga magulang ko noon na sisirain niya ang buhay ng Mama mo kapag hindi ko siya hiniwalayan. Ayaw na ayaw sa kanya ang mga magulang ko dahil mahirap lang siya. Gusto ng mga magulang ko ay mayaman ang mapapangasawa ko." sagot niya sa'kin.
"Pero hindi yun ang dahilan para iwan mo kami. Kung mahal niyo po talaga kami ay pinaglaban niyo kami laban sa mga magulang mo." tugon ko sa sinabi niya.
"Tama ka anak. Dapat noon pa lang ay pinaglaban ko na ang Mama mo. Pinagsisihan kong hindi ko siya ipinaglaban sa mga magulang ko. Sana hayaan mo akong makabawi sa inyo." sabi niya sa'kin.
"Huli na ang lahat. Wala na si Mama at hinding-hindi ko na kayo mapapatawad pa." sabi ko at umalis na ako sa office niya.
*end of flashback*
Marami na akong sinakripisyo para lang mabuhay ako, makapag-aral ako. Tiniis ko ang pananakit at panlalait sa'kin ni Tita noon. Tiniis ko ang mga masasakit na salita na sinasabi sa'kin ni Charisse noon. Kahit na pagod na pagod na ako ay hindi pa rin ako sumusuko. Lumalaban pa rin ako para makamit ko ang mga pangarap ko sa buhay.
Sa tingin ba niya ay kailangan ko pa siya? Pwes nagkakamali siya. Kayang-kaya kong buhayin ang sarili ko kahit wala siya. Kayang-kaya kong mabuhay kahit wala ang pera niya. Hindi ko kailangan ang suporta niya dahil nandito naman ang tatlong hunks para suportahan ako.
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]
Teen FictionSerenader 18: BILLY WILLIAMS