Ang PinakaPANGIT na Prologo sa Balat ng Wattpad

5K 167 23
                                    

Mula pagkabata tinutukso na nila ako. Lahat yata ng pangit na salita ay ikinabit na sa aking pagkatao.

CHAKA

PANGIT

PINAGKAITAN NG TADHANA

Babae, Lalaki, Bakla, Tomboy, Matanda, Bata, lahat na lang sila may komento sa hitsura ko.

Sorry sila dahil para sa nanay at tatay ko, MAGANDA ako. Sila yata ang president at vice-president ng fans club ko 'no.

Ewan ko ba, pero guwapo naman ang tatay at maganda naman si nanay. Dati pa ngang Beauty Queen ang nanay ko. Siya lang naman ang may hawak ng titulong "Binibining Talipapa 1986". Kaya ang pinagtataka ko, kanino ako nagmana? Hindi kaya nasalisihan si tatay?

Kuwento nila, nasa sinapupunan pa lang ako ay alam na nilang isa akong babae. Umaasa raw silang lahat na ako ay magiging isang beauty queen pagdating ng araw.

Kaya naman paglabas ko sa sinapupunan ni nanay ay laking dismaya nila. Malabo raw akong maging beauty queen. Kahit nga makasali, malabo e. Manalo pa kaya? 

Ayon. Hiniling na lang nila na maging talented at matalino ako. Dininig naman sila ng Diyos. Ewan ko ba kung maiinsulto ako o matutuwa. Pero kahit ganyan 'yang mga 'yan. Mahal ko sila, at sila ang buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit ako naniniwala sa true love.

Alam ko bawat tao ay may inilaang kapareha ang panginoon. Siguro hindi pa ipinapanganak yung sa akin. Tiwala lang. Uso naman ang May-December affair eh.

Ako nga pala si Chuchi. Kung gusto ninyong malaman ang talambuhay ko. Click niyo lang yung pangalan ko sa bottom area ng page na ito.

Oh siya. Tama na itong mahabang pagpapakilala. Wala nang maisip yung writer ng istorya ko. 

Basta tandaan niyo, ako si Chuchi, Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa Balat ng Lupa.

Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa  Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon