Chapter Thirteen: June 1

1.6K 33 4
                                    

June 1, 2008

Sunday.

Mark Yuuri.

Yuuri.

Yuuri..

15 minutes before 9 am, nasa bahay na nila kami.

Every Sunday, his family would go the church at 9 am to 12nn. Naiintindihan ko dahil ganoon din ako sa church namin. Nagpaalam ako kay kuya Dan kung pwede kila Yuuri ako magsisimba, okay lang daw. Si kuya Dan ang anak ng Pastor sa church na pinupuntahan ko. Sya rin ang nagmomonitor sa pagsisimba naming mga kabataan a kabilang sa church. Gusto kasi nyang mamaintain ang good relationship at communication naming mga teenagers kay God.

Kasalukuyan kaming naglalakad nang makita ko na may isang bahay na maraming pumapasok na tao. Iyon na siguro ang church nila. Nang makita kong naglingunan yung mga tao sa gawi namin at tumango si Yuuri sa mga tao. Napahinto ako sa paglalakad. Inatake na naman ako ng nerbiyos. An introvert like me should not enter into these kinds of situation. I don't know how to face massive mass of people.

"Nandeo?" [Nandeo = why?]

I knew a few of basic Japanese because of my Mom. Marami rin akong kabisadong Japanese songs pero kaunti lang ang naiinindihan ko.

"Ang daming tao." Lumapit sya sa'kin tapos hinawakan yung kamay ko at pinisil.

"Kowai ka?" [Are you scared?]

"Hala, ano bang pinagsasasabi mo?" Noong sinabi nya yon sa'kin, hindi ko maintindihan pero tinandaan ko.

Habang palapit kami ng palapit, lalo akong kinakabahan. 

Nang makarating kami sa church, Everyone greeted good morning and smiling to each other. Everything felt at peace and full of bliss. In the church, habang naglalakad kami, may nakasalubong kaming babae. Hula ko kaedad nya ‘yon.

"Mark!" Tawag nito sa kasama ko.

"Hey." Bati naman nya. Tinignan nung babae yung kamay naming magkahawak. Medyo nahiya ako at the same time nainis ng kaunti.

"Lagot ka kay Pastor Jun!" Sabi sa kanya ng babae.

Hala?

Ngumiti lang si Yuuri at nilagpasan yung babae. Hinila ko yung kamay ko na hawak nya. Napalingon sya pero hindi nya binitawan yung kamay ko.

"Lagot ka daw." Sabi ko.

"Huwag ka maniwala sa kanya."

Sa gilid ng church, may silid kung saan pwedeng iwan ang mga bata at mayroong mga mag- aalaga doon. Huminto kami sa tapat ng silid dahil may batang lalaki na biglang tumakbo at yumakap sa binti nya. 

 Ngumiti sya. Bintiwan nya ang kamay ko at binuhat ang bata. From the way I see it, he love kids. Kaya pala may pagkaisip bata ‘to. But I bet he’ll be a good father in the future. He seems caring and having fun..

ANO BA TONG NAIISIP KO?

Baliw na naman ako.

Erase. Walang tatay. Walang bata.

May gulay. Ang bata ko pa para mag-isip ng ganyan.

"Namiss mo ‘ko?" Tanong nya sa bata. The kid nooded in a cute way. Tapos, hinarap nya sa'kin ang bata.

 "This is ate Jackie." Pakilala nya sa'kin. Ngumiti ako at kumaway sa bata. Tumalikod sa'kin yung bata. Hala, anong problema nito? sa ganda kong to, iisnabin nya ko? Tumawa naman si tanga. Nakakasar.

"Pareho kayo. Hindi kumakausap ng stranger." Puna pa nya.

 "Wag mo kong ikumpara dyan. Hindi sya marunong mag-appreciate ng kagandahan." Ayoko sa batang yan. Hindi ako pinansin. Pasalamat sya pinansin ko sya.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon