Chapter Twenty Six: Divorce
Divorce
Nang marinig ko ‘yon, nagulat din ako. Noong ipakilala naman nya ako sa mga magulang nya.. Okay naman sila. Wala akong nakitang anong mang sign na maghihiwalay ang mga magulang nya.
“I felt it a year ago pero hindi ko pinansin. I never thought it would happen..” Walang emosyon yung boses nya.
“Kaya ka nandyan dahil..”
“Kinuha ako ng Daddy ko.”
“Si Tita, di ba nandyan sya?”
“Para sabihin sa’ming magkapatid na masisira na yung pamilya namin.”
“Siguro may mga problema silang—”
“Kyogi rikon. Lokohan lang di ba? After 18 years they’ve been together, ngayon lang nila naisip na ‘Oh, we have a huge differences, let’s wreck this family.’ Alam naman nilang simula pa lang may ‘huge’ differences na sila dahil sa magkaibang bansa sila lumaki tapos mauuwi lang sa ganito? Sana hindi na lang sila bumuo ng pamilya in the first place.” Bawat salita purong galit ang nararamdaman ko mula sa kanya.
Kyogi rikon? “Baka naman..”
“Ano? No third party involved sabi nila. Wala din daw sa’ming magkapatid ang problema. Saan? Ano yon, trip lang nilang magpakasal tapos ngayon trip lang din nilang maghiwalay? When love fades, burn the family? Leave the kids broken and unwanted? Good outcome. Parang teenagers lang, mabebreak kapag ayaw na, kapag hindi na nila mahal ang isa’t isa.”
“Yuuri..”
“Hindi naman ako galit dahil.. Yung kapatid ko. Ngayon ko lang sya nakitang gano’n. S-she’s crying so much and shouting so hard.. P-pag naaalala ko..” Nakakarinig ako ng mga mabibigat na buntong hininga tapos biglang nawala.
“...” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Masyadong sensitibo yung problema.. Wala ako sa posisyon magsalita, pero isa lang yung nararamdaman ko..
Sobra syang nasasaktan..
Sobra sobra na pakiramdam ko ngayon nya lang nalalabas..
Nasasaktan sya pero dinadaan nya sa galit..
“Kanina lang, narinig kong nagbabato na naman sya ng mga gamit sa kwarto nya habang sumisigaw.. Isang linggo na syang hindi pumapasok.. N-nahihirapan na rin akong pakainin sya dahil ako lang ang nakakapasok sa kwarto nya.. L-lagi na lang syang u-umiiyak bago ako u-umalis para pumasok s-sa school saka pag-uwi ko.. Kapag nakikita nya ko, tinatawag nya lang ako t-tapos umiiyak na n-naman sya.. Ayoko na ngang pumasok.. A-ayoko nang iwan yung kapatid ko..”
Mahirap na sa kanya yung nangyayari, mas lalo pa syang nahihirapan dahil sa kapatid nya.. At lalo ko pa syang pinapahirapan..
“Sana sinabi mo di ba? Kahit sabihin mo lang hindi ka na magkwento, okay lang.. Naguluhan din kasi ako..”
“A-ano..” First time ‘to. Yung hindi nya alam kung anong sasabihin nya..
He’s sobbing!
Tapos nawala na naman ng biglaan. He’s turning the mute on..
ANONG GAGAWIN KO! FUCK! FUCK! FUCK!
“Mark?”
“...”
“Dun ka matulog sa kwarto ng kapatid mo ngayon.”
“Ha?”
“Kahit hindi mo sabihin, alam kong pareho kayo ng nararamdaman ng kapatid mo.. Kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan ngayon kaya kailangan nyo ang isa’t isa.. Kailangan ka nya ngayon.. Dali na.”
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.