Chapter Thirty Nine: I am always 'the Girl'
Isang linggo akong walang narinig sa kanya.
A part of me wants to hope.
While the other part wants to let go.
Wala naman kasing masyadong sinabi si Mark..
Bigla na lang syang nawala.
“I’ll wait for a week. Kapag wala pa rin, hindi ko na dapat pahirapan ang sarili ko.”
Saktong isang linggo nang marinig ko ulit sya..
Nang mag-usap na kami, medyo awkward nung una pero naovercome din namin.
Hindi naman katulad nang sa telenobela na basta basta lang magbabalikan. Yung may kiss sabay hug sabay bagsak sa kama tapos chorva na.
Hindi 'to parang laro na pag sinabi mong, "GAME!", magsisimula agad..
Kausap ko ang BMN noon, este si Justin at Ashley lang.
Si Ashley kasama na rin namin noon dahil sa.. Ewan ko ba, umaabot na rin sa away yung problema nila ng boyfriend nya. Binibiro nga namin, “Hiwalayan mo yan para walang problema.”. Hahahaha. XD
B.I. kami. :D
Gabi na no’n, kalahati pa lang yung Empi lights pero ayawan na kasi tatlo lang kami.
Gusto ko pa pumasok kinabukasan. Hahahaha. XD
“Babalikan ko ba?” Tanong ko kay Justin.
“Binabalikan ka?”
Tumango ako. Stargazing ang trip namin sa rooftop nila kaya nakakarelax. Pare-pareho kaming mahilig sa astronomy kaya cool.
“Kung mahal mo pa, e di balikan mo.”
“Buti kung gano’n kasimple lang yon.”
“Ano bang magulo?”
“Syempre, sabak na naman sa long distance relationship yo’n. Ang hirap kaya.”
“Mahal mo ba?” Tanong nya.
Napangiti ako. “Oo naman.”
“Yun naman pala, balikan mo na.”
Ngumiti lang ako ng tipid. “Nung umuwi nga sya, tinanong nya ako kung bakit hindi kita binalikan.”
“Masaya naman tayo ng ganito lang tayo di ba?”
“Oo nga.”
May mga relasyon talaga na mas tatagal kapag magkaibigan lang..
Minsan mas da best pa kaysa noong mga panahong kayo pa..
_______________________
Pinag-usapan na namin ni Mark kung pa’no ang set up para hindi na magulo.
Patas na daw kami ngayon. Both were at fault for the mistakes kaya walang nang sisihan.
Past is past. Wag nang ibrought up pa.
May kalayaan ang bawat isa sa mga desisyon basta alam ang limitasyon at hindi nakakasakit sa bawat isa. Mauulit na naman kasi yung sakalan kapag pinaikot na naman namin yung mundo namin sa isa’t isa.
Honest relationship.
Walang mababanggit na ‘break up’ lalo na pag nag-aaway.
Pag nag-aaway dapat pasok sa isang tainga, labas sa isang tainga ang mga salita since pareho kaming masakit magsalita.
Kalimutan ang selos. Wala syang magagawang matino sa relasyon.
"Dati, kapag nagpapaalam ka sa'kin, alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi." Bigla nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.