Chapter Forty Nine: Waking the Dead
Hihinto dapat ng pag-aaral para sa counseling pero ayoko.
Mababaliw ako lalo no’n.
Saka gusto kong makatapos agad.
Nagsimula ang therapy a week before ang pasukan next sem.
May mga physical exercises din.. ewan.
And the name’s Ate Patricia.
Ang nakakatawa do’n, ang bata nya tignan. Parang hindi sya doktor, ang weird.
Nung una hindi ako masyadong nagsasalita kasi.. ewan. Ganon talaga ako pag bagong kilala. She’s asking me things like ‘do you have pets nung bata ka?’.. parang walang koneksyon. Nakakaasar lang pag-usapan.
Yung session was tues – thurs – sat. Bago ako pumasok ng school, deretso muna ako sa hospital since walang makapaghahatid sundo sa’kin. Kasama ko naman yung mama ko nung first meeting.
Si Ian? Nakakatawa nga yung araw ng board exams nila. Akala nila masususpend yung exams dahil sobrang lakas ng bagyo noon pero hindi nasuspend. Nangako pala silang pito sa isa’t isa na papasa silang lahat sa board exams.. Since anim na lang sila..
“Alam naman naming papasa ka kaya hindi ka na kumuha ng board, Mark!”
“OO NGA! PAKISABI KAY LORD PAPASAHIN NYA KAMI!”
“Pare.. Please.. Close na kayo ni Lord di ba?”
Nagtawanan sila.
Tapos yung kaba nila, kahit nasa phone lang ako, ramdam ko rin. Naririnig ko din yung asaran nila.. Mga panalangin.. Parang mga wala sa sarili sa sobrang nerbyos. Haha. XD
After few weeks, naannounce na kung sino ang mga pumasa sa board exam..
Akalain mo yon?? Nakapasa silang anim! Hahaha. :D
Walang nalaglag.. Ang cool. :)
Mid October
Birthday ni Mark. Nabuo yung buong barkadakan nila.
Si Rap, Melvin, Ian, Luigi.. takte. Nakalimutan ko yung dalawa. Haha. Hindi kasi ako matandain sa names kaya kilala ko lang sila sa mukha pero hindi sa pangalan..
Bago ako makipagkita kay Ian, Bumili ako ng triple chocolate roll sa Red Ribbon. Gift ba. :)
Nag-away ulit kami ni Ian noon bago ng birthday ni Mark. Asar na asar ako sa kanya na pagkakita ko, hindi ko pa rin sya makausap. Hindi ko nga lang maalala kung bakit.
Pagpasok ko ng kotse, hindi ako nagsasalita..
Maya maya..
“Stil mad?”
“Mochiron!” [Of course.] HAHA. Ayoko kasing sumagot pero hindi ko napigilan yung sarili ko kaya gumamit ako ng ibang lengguahe.
Natawa sya. “Mas matagal kong nakasama si Mark, sa tingin mo hindi kita naintindihan?”
O_O
“Babo..” [Idiot] Nakakaasar! Akalain ko ba? Mas maganda kung korean na lang, siguradong hindi nya alam..
Hanggang sa makarating kami kila Tita Lauren, hindi kami nag-uusap ni Ian.
“Oy! Dito na sila, guys.” Sabi ni Rap nang buksan nya yung gate para sa’min. Ang totoo talaga nyan, nagluto si Nanay Esme kaya napasugod kami. Haha.
Sa dining area nila, nakaupo kaming pito. Ang kulit lang kasi kapag nagpapasahan ng ulam o kanin..
“Engineer Rap, paabot nga ng sinigang.” Tapos tatayo si Rap at iaabot yung ulam na nabanggit.
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.