Chapter Thirty Five: Did i just fell out of love?

1.6K 31 2
                                    

Chapter Thirty Five: Did I just Fell Out of Love?

Dumating ang 2010.

Bumalik sya sa dati.. tumatawag araw-araw.. nagtetext..

Pero ako na mismo ang nagsabi sa kanya na bawas bawasan nya na ang pagtawag..

Ako naman yung natakot..

Natakot na baka maulit lahat..

Takot na baka pag bumigay na naman ako sa kanya, i-take for granted na naman nya ko..

At para unti unti ko na ring kalimutan yung ginawa nya..

Yung sakit, nararamdaman ko pa rin..

Dineretso ko na rin noon si Nathan.

Humindi na rin ako kay Ahllan.. Di bale, nagkagirlfriend na agad sya. Pogi daw sya sabi nya. Hahaha. Magkaibigan pa rin kami. BMN e. XD

Nagfocus muna ako sa school.. Rather sa mga kaibigan ko doon.

Sa blockmates ko dati noon, konti na lang kaming magkakasama. Nakabuo rin kami ng sindikato.

Ang Puschia Rockers.

Nabuo ito sa time ng Filipino subject namin..

Gagawa ka kasi ng biography ng kaklase mo.

Tyempo kapartner ko si Valerie. Kasama ko na sya simula first year first sem hanggang ngayon.. Magkaugali sila ni Mark, parehong O.C., strict, bossy, at nangingialam sa kung ano ano. Gusto kasi nya lahat fair, pantay. Sya yung tinatawag naming ‘National Bookstore’dahil nasa kanya na lahat. Ruler, glue, scatchtape, yellowpaper, clips, gunting, extrang ballpen.. Pati sabon, may dala yan. Feeling ko nga pag hiningian mo yan nang pawis ng butiking baliw, maglalabas yan. Saka lahat ng katwiran mo, may kabangga yan. Ako lang ata ang nakakasalag sa banat nya kasi ako yung tarantado sa magkakaibigan. Kumbaga, sya yung commander-in-chief namin.

Tapos ng 15 minutes na interview sa magkapares, saka ka na gagawa ng biography.. Syempre, sa Pilipinas halo ang lenguahe natin. Favorite color ni Valerie ang pink.

Anong tagalog ng pink?

Dahil ayaw ni Valerie nang naiistorbo pag may ginagawa dahil nakakalimutan nya yung dapat na gagawin nya, si Angel ang tinanong ko.

“Angel, anong tagalog ng pink?”

“Fuchsia.”

HA? E Di ba kulay din yon? Saka hindi tagalog yon..

She had this innocent epic face.. Seryoso sya sa sagot nya..

Do’n na ko natawa ng sobra..

“Bakit?” Tanong pa nya..

Hindi ko sya masagot kasi gumugulong na ko sa upuan ko kakatawa..

Stupid answer + Epic Face = Win

I was laughing for about 10 minutes, non- stop. They’re asking me why but when I was trying to say it to them.. Naaalala ko yung Answer + Epic Face, nahihirapan na naman akong magsalita..

Si Angel talaga. Bagay sa kanya yung pangalan nya kasi ang lakas nya kay Papa Jesus. Pag nananalangin sya na walang pasok.. Wala nga talagang pasok. Minsan natatakot na nga daw sya pagpray. Devoted catholic kasi yung family nila.. Hindi pumapalya sa simba, nagrorosary, novena.. Sobrang bait no’n. Kahit anong gawin ata do’n hindi sya nagrereklamo. Oo lang nang oo.. Pag inaasar mo, hindi lumalaban.. Madalas nabubully ko sya. Mapang-asar din kasi ako saka gusto ko kasi syang turuan na lumaban. Tapos she had this cute voice na nung una akala ko hindi totoo pero boses pala nya talaga yon. Minsan inaasar asar ko pa sya tungkol sa boses nya pero wala lang. Pinagbibigyan nya lang ako.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon