Chapter Thirty Four: When Love and Hate Collide..
January 4, 2010
Tita Lauren
For the last time, I wanna see you.
Pwede ba tayong maghapunan sa labas?
Uuwi na sya sa Japan dahil pinapabalik na sya ng Mommy nya.. Wala namang mawawala sa’kin kung pagbibigyan ko ‘to. Saka libre naman nya, winner ako do’n.
OO NA. Gusto ko na rin sya makita.. For the last time..
Okay na? Satisfied na?
Hindi ko alam kung bakit pero gano’n pa rin yung reaksyon ko nang makita syang naghihintay sa likod ng simbahan. Kumakabog pa rin yung dibdib ko at natetense ako..
Nakakapa ko pa rin ang inis at sakit..
Walang nagsasalita sa’min hanggang nakarating kami sa Max’s restaurant na malapit sa’min. Alam kong sumusulyap sulyap sya pero hindi ko sya pinapansin. Kunwari nakatulala lang ako pero may riot na sa loob ng utak ko. Nagdadalawang isip na kasi ako kung tama ba 'tong pagpayag ko sa lakad na 'to katulad ng pagsama ko sa kanya noong una.
Ayoko lang talaga masaktan ulit.
Pinagbukas nya ako ng pinto ng kotse at inalalayan palabas nito. Nang mahawakan ko yung kamay nya, may naramdaman na naman akong pamilyar.. Mabilis ko yong hinila at nauna akong pumasok ng restaurant. May sumalubong sa’ming isang waitress at dalawang waiter.
Nang maupo kami, binigyan kami ng menu ng waiter.
Teka?
Waiter ba ‘to?
WAITRESS ‘to e.. Katawang lalaki pero pusong babae..
Tapos sulyap ng sulyap kay Mark..
Gusto kong matawa kasi medyo nasa side sya ni Mark at nakatingin sa mukha ng kasama ko.. Or at least that’s what I observed.
Gumogora si kafatid. Hahaha.
Takot pa naman sa bakla si Mark. Hindi ko alam kung bakit. Natrauma din kaya ‘to dati? Hahaha. XD
“What’s yours?” Nagulat ako sa tanong ni Mark. Automatic akong napatingin sa w-wait.. waiter na lang. He’s born that way. Ang asim ng mukha na akala mo nakakain ng isang kaing ng manggang hilaw.
Napangiti tuloy ako kay Mark nang sumagot ako. “Anything.”
At nang makita nya akong ngumiti, ngumiti rin sya sa’kin.
That’s the first time I saw him smile since he came back.
Yung ngiting lagi kong nakikita tuwing magkasama kami at nag-aasaran noon..
Aisshh.. Wag kang ngumiti ng ganyan, kitang pinipigilan ko 'tong sarili ko na mahulog na naman sa’yo..
Kahit kailan problema ka talaga.
Pagkatapos umorder, inulit pa nung waiter nang ilang beses at nagtanong pa kung may additional. Nag-advertise pa sya nang kung ano ano pero waley kay Mark kaya umalis na din sya.
Bumalik yung kaba ko dahil dalawa na lang ulit kami. Wala ako sa mood na awayin sya dahil lumagpas na lahat ‘yon.. Naiilang na ko kasi nakatitig lang sya sa’kin.
As in titig na.. TITIG.
Pilit kong iniiwasan pero persistent. Kunwari may titignan ako sa celphone ko..
“May hinihintay ka?”
Ngumiti lang ako ng tipid.
“Susunduin ka ba?”
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.