Chapter Seventeen: June 5

2K 31 2
                                    

June 5, 2008

7AM pa lang, nasa bahay na si Yuuri para sunduin ako. Ayon sa napagkasunduan kaninang madaling araw, nakaputing sleeveless dress ako at nakaputing polo naman sya. Tinitigan ko sya nang mabuti nang ngumiti sya sa’kin. Dito pa lang naiiyak na ‘ko. Huling araw na naming magkakasama kaya inalis ko na lahat nang hiya at takot o kung ano mang humaharang sa tunay kong nararamdaman.

Ayokong palampasin itong araw na ‘to.

Mabagal kaming naglakad palabas ng compound. Hanggang makarating kami sa bahay nila, hindi kami nagkikibuan. Puro titig at ngiti lang ang ibinibigay namin sa isa’t isa.

“Si Nanay?” Tanong ko. Usually sinasalubong ako ni Nanay Esme pero ngayon hindi ko sya nakita.

“Simula nang alagaan ako ni Nanay hindi yon humingi ng day off, ngayon lang. Kaya pinabayaan na ni Mama.” Sagot ni Yuuri.

“Sina Ate Rose?” May tatlo silang maid na kadikit ko na rin.

“Nasa play ground, nakikipagkwentuhan. Teka bakit sila hinahanap mo?” Parang may tampo sa boses nya.

Medyo naalarma ako na kaming dalawa lang ang tao sa bahay nila pero kasasabi ko lang, I’ll just be me. Ngumiti ako. “Hindi lang ako sanay nang tayong dalawa lang sa bahay. Alam mo namang every ten minutes may dumadalaw sa’tin. ” Tumawa naman sya nang mahina.

Pumunta kami sa kusina para kumain. At dahil tamad tamaran kami ngayon, Lucky me na may sabaw ang pinaluto ko sa kanya. Umupo ako sa counter habang hinihintay sya. Tinitignan ko lang syang maghanda dahil huling beses ko na syang makikitang magluluto.

Habang pinapakulo nya ang tubig, inilagay nya na ang noodles doon at saka pinuntahan ako sa counter. Tumayo sya sa harap ko saka ako niyakap nang mahigpit. Dito pa lang naiiyak na ‘ko kaya pinikit ko ang mga mata ko para mapigil ko ang mga luha saka ko sya niyakap sa leeg ng mas mahigpit.

“Aaahh.. hindi ako makahinga..” Biro nya sa’kin.

Hindi ko magawang tumawa dahil kinakain na ‘ko ng lungkot at sakit.

 Bukas ng hapon hindi ko na sya makikita. Ang sakit na mabigat sa dibdib na hindi ko maipaliwanag.

He looked at me as I loosen my arms and he saw my face. Hindi ko alam kung nakita nyang nangingilid na yung mga luha ko pero nginitian nya ako na para bang hinihikayat nyang ngumiti rin ako. Nagpakawala ako ng buntong hininga.

Kaya ko ‘to.

Tapos tumingin ako sa kanya saka ngumiti. Hinalikan nya yung noo ko then ngumiti ulit sya.

 He looked so happy.

Pumikit ako para itamin ang ngiting iyon sa isip at puso ko nang maramdaman kong hinalikan nya ko sa mga labi ko. I didn’t know how long it took or how was it because I didn’t even know how to kiss but it feels so damn good.

It was gentle yet assuring and happy.

When it ended, he looked at me, smiling. Then he buried his face to my shoulders.

Binulungan ko sya, “Yung Lucky me malabsa na.” He chuckled then he walked towards the stove to turn it off and walked back to me before he hugged me tight again.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon