Chapter Forty Three: Plans

1.8K 34 13
                                    

Chapter Forty Three: Plans

Anong mahirap sa long distance relationship?

Subukan mo para malaman mo. Haha.

De, magbibigay na lang ako ng mga instances..

Rather ang mga paghihirap. XD

1.     Not touching. Pare, sinasabi ko sayo, ang hirap talaga. Kahit mag-a-line lang sa monitor, papatusin ko, mareplenish lang yung energy ko. Walang HHWW, hug.. Hindi kayo personal na nagkikita.. parang sumpa na hindi mo makita ang paraan para matanggal ito.

2.     Having fights. Dahil nga ang layo nyo, kapag pinatay na ang computer, laptop, cellphone, wala na rin. Hindi mo na sya mapupuntahan at makukulit. Minsan makakatulugan mo na lang at aasang may bukas pa.

3.     Fear of being left in a blink of an eye. Hindi tulad nang magkasama kayo, madaling puntahan o kausapin kung bakit hindi sya nagreply o kung bakit ayaw na nya. Pero sa long distance chenes na to, hindi lang sya magreply buong gabi, mapaparanoid ka talaga.

4.     Ang gastos. Yung mga regalo, plane ticket (sa kanya to), at limitasyon. Pare, hindi pwede yung masyadong mabigat o malaki, mas mataas ang talent fee nang kung sino man ang magdadala nito sa boyfriend mo. Pwede ding mawala yun tulad na lang ng mga sulat ko dati.. :((

5.     Loneliness. Eto yung pinakakalaban sa pakikibaka. Kapag nakakakita ka ng couple sa daan, nakakarinig ng love song, mabanggit yung pangalan nya.. You just want to wallow at a corner and wait for him to return.

6.     Pag sinasabi ng iba na hindi kayo magtatagal. Gusto ko silang murahin ng malutong then kiss my @ss. Sobra yung sakripisyong ginagawa nyong dalawa and yet heto sila, dinidiscourage kayo sa ginagawa nyo.

7.     Jealousy. Ang hirap nito. Sa magkasama nga naghihiwalay pa dahil dito, sa long distance relationship pa kaya? The paranoia and frustration.. nagfufusion sila para sirain kayo once you let jealousy in the way.

So there. Marami pa pero baka pag humaba tamarin na kayo magbasa. :)

Anyways, he received my gift pagdating ng 2011. Since pareho kaming nagtitipid, (ako dahil wala na talaga akong pera kakakain, at sya na uuwi sa July.) iisa na lang yung regalo namin sa Christmas at New Year.

Wag ka, may chocolate ako. Tapos dress. :)

Kyot nung dress kulay green sya tapos hindi fit. Yung top part pwedeng off-shoulder, pwede ring hindi.

I decided na sa July na sya umuwi para sakto sa birthday ko. :)

Ang nice na gift di ba? :”>

Pag-uwi ni Tita Lauren galing Japan, nagkita kami para ibigay yung regalo ni Mark.

Nagulat lang talaga ako sa sinabi ni Tita..

“Kapag inaya ka ni Mark na magpakasal pag-uwi nya, wag muna ha?”

NABILAUKAN AKO KAHIT WALA NAMAN AKONG KINAKAIN.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon