Chapter Twenty: Doing the right thing

1.7K 36 3
                                    

Chapter Twenty:  Doing the Right Thing

Naalala ko no’n, tahimik lang sya habang nagsasalita ako. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya.

Pinabayaan nya ko sa desisyon ko pero humingi sya ng isang favor.

Kung pwede syang tumawag kahit sandali lang.

Pumayag ako.

SPELL MANHID?

_______________

Akala ko kapag nakipagbreak ako, titigil na ‘tong kaartehan ko, hindi pala.

Lalo pang lumala dahil dumalang yung tawag nya.

Nakakabaliw.

Hindi rin ako nakatiis.

Nakipagbalikan ako. 

Sa lahat ng naging boyfriend ko, sya lang ang binalikan ko. Ewan ko ba. Lakas ng hatak sa’kin neto.

Tinigil ko na yung pag-iinarte ko. Nakokonsensya na rin ako dahil feeling ko ginagago ko yung sarili ko.

Tama so Bob Ong.

Sa kahit anong problema mo, isang tao lang ang makakatulong sa’yo—ang sarili mo. Sinampal ko ang sarili ko para magising sa katotohanang ang pagtakas sa problema namin ang pinakagagong desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.

 Ginusto ko ‘to, panindigan ko.

Hindi porke nagsaya ako dati nang kasama sya, iiwanan ko na lang sya sa ere dahil malungkot at masalimuot na ang sitwasyon.

Bakit parang tunog-nakabuntis ako?

Ako yung babae dito ha??

Any way, nilamon ko lahat nang makita kong pagkain kahit parang walang lasa.

Sa gabi tinatakot ko ang sarili ko para makatulog. Madalas nagbabasa ako nang book para hindi ko sya maisip at malibang ako.

Inayos ko yung buong aparador ko. Lahat ng hangin blouse, off shouldered tops at daring things tinanggal ko at pinamigay ko. Halos walang natira sa’kin.

Nagpagupit na rin ako ng buhok pero hanggang shoulder blades lang.

Tinanggal ko na rin sa mga pangarap ko ang makapagpakulay ng buhok, magpabutas sa tainga, dila at pusod. Pati na rin ang pagpapatatoo.

Kasabay nang pagharap ko sa problema ang pagbabago.

Pero hindi ko akalaing gagawin ko ‘to dahil sa kanya.            

Lakas talaga ng tama ko sa kanya.

Ngayon ko lang narealize?

Ngongo. Amp.

Napangiti ako..

Naalala ko si Yuuri..

Nawala man sya physically, naririnig ko naman sya araw araw.

Oh di ba? Parang si Big Brother lang.

Sya ang gumigising sa’kin sa umaga.

Pag-uwi ko, magtetext sya.

Sa gabi, magkausap kami. Maikli na yung isang oras.

Boses+load ang puhunan sa long distance relationship.

Minsan sumasakit yung panga ko kakasalita. Hindi kasi ako sanay makipag-usap nang ganoon katagal. Sumasakit din yung bulsa ko dahil per text ko, 15php. Kaya sikisik-liglig-umaapaw ang text ko na minsan nag-eexceed na ko sa limit at another 15php ulit yon. Sa tawag naman, may 100 IDD Card.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon