Chapter Eighteen: Departure
June 6, 2008
Umaga.
Sabi nya na sa San Bartolome Parish Church sya. Sa bahay nila sa Tanza sya natulog para madali raw akong puntahan.
“Sa’n ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Magkausap kami sa phone.
“Nasa likod mo.” Bigla akong tumalikod.
Hinanap ko sya pero wala akong nakitang giant chanak.
“Wala naman e!” Tumawa sya.
“Nandito ako sa statue ni Jesus Christ.” May flatform sa gitna ng parking lot nang simbahan at nandoon yung malaking statue ni Jesus Christ. Agad akong pumunta doon pero wala pa rin sya.
“Pinaglalaruan mo ba ko?! Nakakapikon ka na ha!” Tumawa na naman sya. Umupo ako sa paanan ng statwa.
“Nakikita kita.. Umupo ka sa paanan ni Jesus Christ.. tapos winiwiggle mo yung feet mo.. ”
Napatayo ako. “Nasa’n ka ba talaga! Nagugutom na ko Yuuri..”
“Kapag umalis na ‘ko, isipin mong ganito lang tayo ha? Hindi mo ko nakikita pero lagi akong nakasubaybay sa’yo. Kapag namimiss mo ‘ko, tawagan mo ‘ko. Gusto ko sabihin mo sa’kin lahat. Gawin mo kong diary. Ayokong may mamiss out sa everyday life mo.”
Tumulo na lang ang mga luha ko at napaupo ulit ako.
“’Wag ka ngang umiyak, ang panget mo.”
ABA! “Hayop ka ha! Bakit mo ko niligawan kung pangit ako?”
“Kaya nga huminto ka na kakaiyak, pumapangit ka. Kahapon ka pa ganyan.”
“Nasa’n ka ba talaga? Namimiss na kita..”
“Ilang taon mo rin ako hindi makikita, Jackie. Kailangan masanay ka na.” Tama yung sinabi nya. “Saka may usapan tayo kagabi. Usapan di ba walang iiyak ngayong araw?”
Oo nga pala! Nakalimutan ko! Aish.. Agad kong pinunasan yung luha ko tapos tumayo.
“Nasa’n ka na bang chanak ka?! Lagi mo na lang akong pinaglalaruan!” Tumawa ulit sya.
“Nandito ako sa gilid ng poste nang simbahan, malapit sa school.”
Sa tabi ng San Bartolome Parish Church, may school doon na pinangalanang St. James Academy. Tumingin ako sa gawing ‘yon. Nakita ko syang kumakaway at nakangiti sa’kin.
Agad akong lumapit sa kanya at pinalo sya sa braso. Ngumiti lang sya sa’kin tapos agad na hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami papunta sa lugawan.
Tapos nya ilapag yung mga inorder namin, wala nang sali-salita, kumain agad kami.
Wala pang five minutes ubos na lahat. Ganyan kami kalupet. Actually, nauna pa syang natapos kaysa sa’kin.
Naramdaman kong tinitignan nya ‘ko. Napatingin din ako sa kanya. Umiling lang sya tapos ngumiti, pero hindi nya tinanggal yung titig nya sa’kin.
“Dito tayo unang kumain no?” Tanong nya. Luminga linga ako.
“Oo nga.. Hindi ko napansin.”
“Ganyan ka naman, walang maalala, walang napapansin.”
Hindi ko na sya pinansin at nag-aya sa labas. Dahil malapit lang yung Mercury Drug sa simbahan, nag-aya akong pumunta doon at bumili ng chocolate. Kapag nalulungkot ako, madalas kumakain ako nang chocolate. Bumili na rin kami ng ice cream at soft drinks tapos bumalik kami sa simbahan.
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.