Chapter Forty Two: Baby!
As he said, he quit working.
Tumawag ulit sa’kin si Akiko para magthank you ng wagas.
Mas may oras na daw si Mark para magpahinga..
Sabi ko pakainin nya nang pakainin para tumaba,
“YES Ate!”
Haha. Ang kulet lang.
December.. Malamig na. :D
Pagsakay ko ng jeep papunta sa school, may nakatapat akong baby..
ANG CUTE!
Tapos nagmemake face ako..
ABA! TUMATAWA!
Marunong mag-appreciate ng kagandahan ‘tong batang ‘to.
Ang taba ng cheeks tapos bilugan yung mata..
NAKU!! Hahaha.
Nakakagigil.. Gusto ko rin ng gano’n..
Hala? Laruan lang?
May nabibilhan ba ng bata?
Hanggang napapadalas na yung kita ko sa mga baby na cute.
May babae pero madalas lalaki.
Yung tipong gusto mong lapirutin sa sobrang cute at meron pang umaoutfit.
Gusto ko din no’n..
“Hun, Gusto ko ng baby..” Bigla ko na lang nasabi out of nowhere nang makausap ko si Mark..
“Ano?”
“Baby.”
“Bakit sa’kin mo sinasabi yan??”
“Kasi kausap kita.”
“Humanap ka ng ibang kausap.” Nagsungit?
“Hun.. Sungit mo naman.” Sinubukan kong maglambing.. For the first time. Natutunan ko kay Angel. Napapadalas kasi yung dikit ko sa kanya, Nahahawa ako sa parang baby na paraan ng pagsasalita nya.
“ANONG NANGYAYARI SA’YO?”
“Baby..” Sinubukan ko ulit. Ang cute pala magbaby talk. Parang yung mga baby na nakikita ko sa jeep..
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.