Chapter Fifty: Epilogue

2.1K 55 30
                                    

A/N: Dedicate ko kay Tal. Kailangan daw yung dedication ko meron sa unahan saka meron sa ilalim. Kailangan din daw yung pinakahuling chapter yung kanya. Ang kaibigan na isang beses lang nagvote pero demanding sa updates.

Masama loob ni Erin. Syempre joke lang. XD

***************

After one year and and six months, habang sinusulat ko 'to, naiisip ko pa rin sya.

Hindi ko pa rin nakakalimutan yung boses nya, yung pagtawa nya, pati na rin yung mga pang-aasar nya sakin. Yung mga away namin na walang kasense sense. Pati yung mga tawanan naming wala ding kasense sense. Minsan naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko sya pero ngumingiti na 'ko. Being lonely is inevitable but being miserable is a choice. Alam ko, naging miserable ako ng ilang buwan o pwede nating sabihing isang taon, at alam kong pinili ko yon.  Kulang kulang tatlong taon ang pinagsamahan namin pero hindi dapat tinatambayan ang problema. Dapat binibigyan ng solusyon.

This story is not only made by me. We made this story and I wrote it down as acuurately as possible.

Sinulat ko 'to hindi para ipagkalat na mayroon akong boyfriend na katulad nya. Sinulat ko 'to kasi ayoko syang kalimutan. Makakalimutin na talaga ako pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ayokong kalimutan yung isang tao na kahit anong gawin ko, hindi nya ko iniwan. Na kahit anong ugali at pagkatao ko noon na hindi kayang tanggapin ng ibang tao, tinanggap nya. At habang nagbabago ako, hindi pa rin sya nagsasawa sa pagyakap ng mga ito. Sya lang yung tumulong at nagpabago sa’kin.  Na kahit na sumuko na ko sa kanya, hindi pa rin sya bumitaw.  Nagsakripisyo at ginawa nya lahat para sa’kin.  Inuuna nya pa ko kaysa ang sarili nya. A guy who would do anything for his girl. Actually, si Landon Carter ang paborito kong lead sa lahat ng nabasa ko. Sabi ko noon, I want to see someone like him. Pero ang bait ni God, binigyan nya ako ng Landon. :)

Dati noon kahit na may boyfriend ako, I feel so alone. Pero first time ko to na, wala akong boyfriend pero pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. Parang pakiramdam ko minsan nasa tabi tabi lang sya.

 Hanggang ngayon suot ko pa rin yung ring namin. Minsan tinititigan ko sya.. Iniimagine ko lang kung anong reaksyon nya kung makita nyang suot ko 'to.. Siguro masaya sya. :)

After he died, I asked myself.  Ano bang depinisyon ng buhay?

Yung humihinga?

Yung kumakain?

Yung naglalakad?

Naalala ko ang sinabi ni Lupi sa anime na One Piece, “Mamamatay ka lang  kapag wala ka na sa puso at isip ng mga tao.” Nang una ko ‘tong narinig, naastigan ako pero malabo pa sa’kin kung anong ibig sabihin ni Lupi.

Pero ngayon alam ko na.

Ang buhay ay alaala.

At ang alaala ay buhay.

Ang buhay ay koleksyon ng mga alaala. Importante man o hindi, Tumawa ka man, umiyak, nag-amok o napahiya, naging matalino ka man o tanga sa mga ginawa mo, sa mga alaala mo ito mapapaloob. At ang mga alala ang nagsisilbing panggatong na sinusunog ng tao para mabuhay.  Sa alala kumukuha ng inspirasyon para mabuhay. Sa alaala nakabase kung anong gagawin natin sa mga susunod na araw. Kung uulitin mo ang mga ginawa mo o matututo ka mula rito. At sa buhay, lahat may free will. Kahit diktahan ka ng mga taong nakapaligid sa’yo, sa huli ikaw pa rin ang may desisyon kung susundin mo sila o hindi. Kung matatakot ka sa pagbabago o gagawin mong daan ang pagdidikta ng ibang tao para patunayan sa kanila na kaya mong lumaban at sundi ang sarili mo.

Lahat ng tao isa lang ang goal sa buhay. Ang maging masaya. Iba iba lang ng pinanggagalingan ng mga nito. At hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha natin ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin.

The tragedy of life is not death but what we let die inside us while we live. 

I let myself die when I'm still alive. I choose to die the moment he passed away. Mas pinili kong kainin ng lungkot, takot at sakit ang buo kong pagkatao. Ang pinakamaling ginawa ko sa buong buhay ko. Hindi lang naman ako yung naperwisyo, pati na rin yung pamilya at kaibigan ko. I let myself down. I let them down.

Si Ian? He already gave up waiting. :) But we're friends.. Kasama ko pa rin sya pag nagpupunta kila Tita Lauren.

Mahal ko pa rin ba sya hanggang ngayon?

Syempre naman Yes. 

Magmamahal pa kaya ako?

Hindi naman ako ipokrito para sabihing hindi na ko magmamahal ulit. Sa ngayon hindi ko pa kayang humanap ng iba.

Kuntento naman ako sa buhay ko ngayon. Hindi ko naman kailangan ng boyfriend para magpaligaya sa’kin dahil sabi ko nga, choice ko 'yon. Kahit pa luhuran ako ng isang lalaki at ibigay nya sa’kin ang buong mundo, kung ayaw kong sya ang magbigay noon, hindi ako magiging masaya.

Sa huli, desisyon ko pa rin.

Moving on doesn't mean that you have to find another.

Moving on  is accepting the fact that it's all in the past now at wala ka nang magagawa para baguhin ang anumang nangyari. All you have to do is to step forward. Looking back is good but staying there.. Hindi dapat.

But in the end, I know I learned.

Love always costs more that you can afford.. But it’s always worth the price.

And who said this isn't a happy ending?

I know he's happy.

I'm happy.

 I think that's the definition of being a 'happy ending'. :)

--FIN--

***********

Tal, Eto na yung ending. :) 

P.S. Ang hindi magbasa ng Author's Note, ilalagay ko sa Death Note. HAHAHA. XD

 P.P.S. Kung gusto nyong mabasa yung letter ni Mark Yuuri, nakaprivate sya. Ilalagay ko yung link sa Author's note. Maraming salamat. :)

Erin.  :D

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon