Chapter Thirty Eight: Am I the Other Girl?

1.5K 32 8
                                    

Chapter Thirty Eight: Am I the Other Girl?

Third year college.

First semester.

Midterm.

Nagpapasalamat akong matrabaho ngayon..

May report sa Sociology subject ko.

May sari saring play ang History a.k.a. Life and Works of Rizal.

May Play pa sa Literature at story telling..

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa yang mga play na yan pero okay lang. At least may iniisip ako sa gabi bago matulog. Hindi yung puro sya na lang ng sya at yung ginagawa ko..

Pero astig din pala ni Rizal.

Dito ko lang nalaman kung ano talaga ang laman ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil kinuwento ng Prof ko. Summarized. Ang lufet nga e.

Pati yung ibig sabihin ng mga poems at passages nya, naintindihan ko rin.

Indolence..

Mi Ultimo Adios..

Letter to the Women of Malolos..

Matrabaho lang yung subject pero astig kung iintindihin.

Pakiramdam ko dapat inaaral yung ganito sa highschool pa lang..

At higit sa lahat, dito nakilala ni Valerie si Joey sa Life and Works of Rizal subject.

Isang araw, bigla nya na lang sinabi sa’kin na crush nya daw yung isa sa mga naging kagrupo nya..

Matangkad.

Matalino.

Responsable.

Matino.

Tapos kapag inaasar sya ni Joey... HAHAHAHAHAHA. XD

Nagrereklamo pero nakangiti nang wagas.. XD

Akala mo kiniliti sa tuwa.

Dami nga ng tawa ko do’n e.  Mga 84.

__________________________

September 2010

Wala.

Life goes on.

Wala naman akong magagawa.

Naiisip ko pa rin sya..

Sana.. 

HAY.

Wala na. Magdedaydream pa ‘ko, hindi rin naman mangyayari.

Nakakatamad talaga ang buhay kapag wala kang kaligayahan.

Malapit na sila mag-isang buwan..

Ang BITTER!

The Ampalaya Syndrome! SHET!

Ang sakit pa rin..

Sabi ko na, kung hahanap lang sya, madali lang akong palitan..

Ang lapit pa nila.. :((

Bumalik ako sa pag-inom pero hindi na ko lumalabas.

Sa bahay lang ng mga pinsan ko..

Tapos karaoke..

Tangina this.

 Pag hawak ko na yung mic, wala na ‘kong pinapahawak na iba. Akin lang ‘yon.

“Tell me how am Isupposed to live without you..”

“Now that I’ve been loving you so long..”

“Tell me how am I supposed to live without you..”

“And how am I suppose to carry on.. When all that I’m living for is gone..”

I just fcked my life.

 Sarap magwala pero tutulala na lang ako. Mas walang damage ‘yon.

 _______________________________

Pagdating ng mid-September, out of the blue, tumawag si Mark.

Ang tagal ko bago sumagot kasi.. Kinakabahan ako.

Baka magalit ulit sya sa’kin..

Baka sasabihin lang nya na may girlfriend na sya..

:((

Mas masakit ‘yon kung sa kanya ko mismo maririnig..

“Hello?”

“H-hello.” Sagot ko. Grabe... Yung tibok ng puso ko.. Sorang lakas!

“...”

“...”

Gusto kong tanungin kung bakit sya tumawag..

Pero baka ibaba nya bigla kaya wag na..

I MISS THIS VOICE..

Kahit hello lang sabihin mo, sakto lang..

His voice is such an earcandy to me..

“Kamusta ka na?” Ako na yung unang nagtanong palakasan na lang ng loob, Pucha. GORA!

“Okay lang, Ikaw?”

“Okay lang din..”

Bakit ganito kami ka-awkward???

I’m sorry..

Hindi ako gumaganti..

Alam kong ang tanga ko lang kasi ginago kita..

Pero isang gabi lang ‘yon, wala pa ‘ko sa tamang pag-iisip..

“May sasabihin ka?” Tanong nya.

O_O

“A-ako??” Naramdaman nya?

“N-never mind.. Aah.. Baba ko na.”

Kapag binaba nya ‘to, baka ito na ang huling usap namin..

“WAIT lang.”

“Hhmm??”

“Aahh..” Humugot ako ng hangin saka ibinuga yon ng malakas.. Bahala na!

“I’m sorry, Mark.. Wala akong intensyong gantihan ka.. Wala akong boyfriend na iba.. Alam ko ako yung may kasalanan.. Hindi ko lang talaga kayang magsinungaling sa’yo.. Hindi kayang dalhin ng konsensya ko kaya mas mabuti pang sabihin ko na lang.. Pero maniwala ka, wala akong intensyong saktan ka.. Gusto ko lang maging totoo sa 'yo.. I’m sorry talaga..”

“...”

“Hindi ko ‘to sinasabi sa’yo kasi gusto kong makipagbalikan sa’yo.. Alam kong..” Hindi ko na mapigilan yung iyak ko.. Ang sakit.. “A-alam kong masaya ka na.. H-hindi na kita guguluhin, kahit kailan. Wala ka nang maririnig na kahit ano sa’kin mula ngayon.. G-gusto ko lang talaga s-sabihin lahat para wala na kong mga ‘What if’s’.. para makamove on na ko.. Para matapos na tong sakit na ‘to.. I’m sorry.. I love you.. ”

“...”

“Waah.. Sorry.. Sige, ibaba mo na. Okay na ‘ko..”

Okay na? E bakit ang sakit pa rin..

“Give me one week.” 

 "Ha?"

"I'll call you after one week."

 O_O

“Di ba may girlfriend ka?”

“I’ll fix this up.”

Then the line just went off..

 OW MAY GAWD.. WHAT HAVE I DONE?

Ano na ‘ko ngayon?

Maninira ng relasyon??

I am the other girl?

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon