Chapter Twenty Nine: Hanggang Kailan
Ang galing di ba?
Ang tanga kasi ni Ian at nadulas. Sabi pa, “I heard he’s seeing someone.”
Ako naman si tanga din, “Oh? Sino?” Kahit na tanginang nagulat ako.
Tapos sumagot pa ‘tong isang tanga. “Nakilala nya ata sa school, not sure.”
Akala ko hindi totoo kaya tumawa ako sabay sabing, “Tanga, pa’no mangyayari yon, boyfriend ko pa sya.”
Doon napatigil si Ian.
Doon ko rin napagtantong totoo nga.. Hindi sya matitigilan kung joke lang yon.
“A-akala ko..” Sabi pa nya..
“A-ako din..” Akala ko hindi ako gagaguhin ng boyfriend ko. Akala ko hindi nya kayang gawin sa’kin yon.
Sobra yung tiwala ko sa kanya na ni minsan hindi sumagi sa utak ko na mangyayari to.
Nung gabing ‘yon, iyak ako ng iyak.
Tumatawa ako pero tulo ng tulo yung luha ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi totoo yon pero sa paglipas ng mga araw, iba yung nararamdaman ko kay Mark..
Unusual yung mga reaksyon nya saka parang lagi syang spaced out, pero hindi katulad noong nalaman nyang maghihiwalay na ang mga magulang nya..
Pati tawag at text, dumadalang.
Kasama daw ni Mark yung babae kapag kumain ng lunch sa school nila.
Minsan pati merienda at dinner kasama rin nya.
Hindi ko na tinanong yung pangalan, hindi ko rin naman kailangan yon.
Isipin ko pa lang..
Lungkot.
Confused.
Nagtataka.
Pain.
Sumisikip na yung dibdib ko, bumibigat na yung nararamdaman ko..
Pero kapag kausap ko na sya, nakakalimutan ko na lahat..
Kasi masaya ako.
Hindi ko alam kung isa 'to sa sintomas ng katangahan pero totoo.
Kapag magkausap kami at naaalala ko, madalas gusto ko syang tanungin pero kapag nando’n na ko, hindi ko magawa.
Natatakot ako.
Natatakot ako sa sagot nya.. Na baka ayaw na nya sa’kin..
Hindi ko maisip yung sarili ko na hindi ko sya kausap, na hindi ko sya kasama.
Hindi ko kayang wala sya..
_________________________
Dumating yung Valentine’s day, syempre kumekembot ang lola nyo. Hahaha.
Hinintay namin ang 12mn para salubungin ang Valentine’s day.
At syempre tinugtugan nya ko. Yung newly peyborit kong ‘Out of my League by Stephen Speaks’.
Hindi sya kumanta. Again, sabi nya ,masisira daw yung mood.
“Hindi naman e!” PANIRA NG VALENTINE’S! Nakakakilig kaya yon kahit wala sa tono!!
Aishh..
Kinabukasan sa school, ang daming naglipanang red and white roses.
May nagbebenta sa gate. Easy.
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomantikHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.