Chapter Twenty Five:Tragedy

1.6K 38 2
                                    

Chapter Twenty Five: Tragedy

Nang sumunod na araw, nagbubukas sya ng star. Dala-dalawa bawat araw.

Tuwing umaga.

At araw araw inaasar nya rin ako dun sa mga nilalagay ko..

HAYOP.

Nagsisi na ‘ko na ginawa ko ‘yong mga punyetang stars na yan..

Ang dami pa naman no’n.. tsk. >///<

Tinutubuan na daw ako ng romantic bone..

Ano yon? Kasabay ng wisdom tooth??

Pero nang dumating ang November, bigla syang nagbago.

Isang gabi, hindi sya tumawag. Normally, 8PM sya tumatawag pero 10PM na, wala pa rin ni isang ring. Kinabahan na ako kaya ako na ang tumawag sa kanya. Hindi ako mayaman sa load kaya ang sasabihin ko lang ay tumawag sya then ibababa ko na.

Matagal na nagring yung phone nya bago sinagot.

“Hoy..”

“...”

“Bakit hindi ka tumawag? May ginagawa ka ba?”

“Nakalimutan ko, sorry.”

AKO? NAKALIMUTAN NYA AKONG TAWAGAN?

Aww.

Ang sakit naman no’n pare.

Pero hindi ko na pinansin. Baka nga maraming ginagawa kaya nakalimutan..

Hindi ko na nga papansinin di ba? Ano ba.

“Aah.. Kumain ka na ba?” Tanong ko.

“Hindi pa.”

Bakit hindi nya ko tinanong kung kumain na rin ba ko? Anong nangyayari?

HINDE. Paranoid lang ako.

“Aah.. kumain ka na, baka malipasan ka.”

“Hindi ako gutom.”

K.Dot.Thanks.Bye.

Nakakaasar. Alam naman nyang hindi ako marunong gumawa ng conversation tapos ganito lang ang mga sagot nya.

“Sige ibababa ko na, baka hindi mo pa matapos yang ginagawa mo.” At baka madagdagan pa yung pagkaparanoid ko at mabaliw na ‘ko kakaisip kung ano ba talagang meron.

“Don’t. Please..”

Sound like he’s begging for his life.

??

“Wala na kasi akong maisip na sasabihin sayo.. alam mo namang..”

“Tell me everything.”

“I already told you everything.”

“Tell me something I‘d like to hear everday..”

Napangiti ako. Ngayon naman naglalambing ang damuho. Amp. Pinag-alala pa ko.

“I love you. I love you so much, Yuuri.”

I was waiting for a respond  but nothing came. Usually may follow up yon e.. It was like I was talking to myself.

Aww..

Eto sobrang Aww na talaga.

“Bakit Mark? Anong meron? Hindi ka naman ganyan kaninang umaga a.”

“Wala.”

“Ahhmm.. Kakain muna ko. Tawag ka na lang after 30 minutes, magluluto pa ‘ko e.” Sumegway na lang ako. Tatanggalin ko lang ‘tong nararamdaman ko..

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon