Chapter Thirty: BMN and College
March 15 nabuo ang BMN.
Sindikato to.
Hindi, joke lang.
Actually, madalas kong kasama si Ashley at Em lalo na kapag naglalakwatsa. Nagsimula lang ang barkadahang ito nang makuha ni Justin ang number ni Ashley hanggang sa kumalat na sa dalawa nya pang kaibigan na sina Jie at Ahllan.
Early December ng 2008 to nangyari at sumunod na doon ang mga conference sa cellphone na ginagawa naming anim.. Kulitan, asaran.. Nirereto kasi namin si Em kay Ahllan..
Nabuo ang grupong ito nang magkaroon kami ng swimming noon March 15.
Si Ashley, ako, Em, Justin, Jie at Ahllan..
Si Justin nga pala yung tinutukoy ko sa first few chapters na naging boyfriend ko bago si Mark..
Naging magkaibigan kami after the break up.. Alam naman ni Mark pero hindi ko na masyadong kinukwento kasi nagbabago yung mood nya..
Hanggang sa nasundan ang swimming namin ng Bisita Iglesia kung saan salitang binuhat nina Justin at Ahllan si Sean, ang batang pamangkin ni Em.
Wala kasing mag-aalaga noon kay Sean kaya hindi naiwan ni Em sa bahay. Ang nakakatawa do’n, ang LAKING bata ni Sean. At Bisita Iglesia iyon. Kadalasan, hindi kami sumasakay para pumunta sa mga simbahan.. NAGLALAKAD kami. Tapos biglang natulog si Sean dahil napagod kaya ayon. Patayan silang dalawa.
Ginabi ako no’n at sila naman pumunta sa C4 sa navotas para magpaumaga.. gustuhin ko mang sumama, hindi pwede.
Nung gabi na ‘yon, nag-away din kami ni Mark. Ginabi nga kasi ako. Malamang gabi ‘yon, Bisita Iglesia nga di ba? Saka hinatid naman ako nung lima bago sila pumuntang C4..
Madalas tumatambay din kami sa rooftop nila Justin, stargazing ba..
Anim kaming nakahiga tapos nagkukwentuhan tungkol sa buhay.. At kalokohan.
Ang hindi ko makalimutang kwento ron ay ang ‘lumilipad na kulay green’ sa langit. Syempre kwento yon ni Justin. Lahat kami nagtatawanan pero sya, seryoso.
Totoo daw yon.
Hindi ko alam pero mukhang nakahits sya nung araw na yon. Hahaha. XD
Madalas nag-aasaran kami, pero masaya.
Bonding Moment Nice..
Eto kasi yung expression namin noon kapag nagkakasiyahan kami..
It was like a family I’ve never had.
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.