Chapter Five: Confusion
Daniel insist na makilala si Mark, I asked Mark and he said it's okay.
KINAKABAHAN AKO.
"Wag ka na kamo nya sunduin, doon na lang kamo sya SM na mismo sya dumeretso." Sabi pa ni Daniel.
Nakarating na kami sa SM North Edsa. Mark hugged me as soon as he saw me.
"How's Sunday?" Tanong nya.
"Kasama ko sya kahapon." Sagot naman ni Daniel mula sa likod. Napatingin si Mark sa kanya.
"He's my bestfriend, Daniel." Pakilala ko. Lumayo ako ng konti kay Mark.
"Daniel, He's Mark." Hindi ko alam kung anong relasyon namin ni Mark kaya okay na yan.
They offered handshake, pero parang ang tagal.
As soon as we walked, nasa gitna ako. Kinakausap ko silang dalawa pero iba yung atmosphere. Ramdam mong tense silang dalawa pero si Mark parang naguguluhan. Kahit ako rin naman.
Nang kumain kami, Nag-unahan sila sa pag-asikaso sa'kin.
"Guys, I can take care of myself.
I take my own tray, paid my own bill
and sit all by myself. Okay?"
Nang umupo ako, Nagkagulo naman sa sitting arrangement.
"No one sits beside me." Sabi ko, tapos inusod ko ung chair ko sa gitna para wala akong kaharap.
Hindi ko sila maintindihan. Lalo na si Daniel.
____________
Pag-uwi namin, sabi ni Daniel sya na lang daw maghahatid sa'kin pauwi. I mouthed 'sorry' to Mark at tumango lang sya saka ngumiti. Hinintay nya kaming sumakay at bago umalis ang bus, i waved at him and he waved back.
"Sya ba gusto mong maghatid sayo?" Biglang sabi nya sa'kin.
"Mamaya natin ‘to pag-usapan." I didn't want to make a scene sa bus at magmukhang LQ on the bus ang drama namin dahil sisigawan ko talaga sya pag-uwi.
Pagkababang pagkababa namin ng jeep (Dahil sa letre kami binaba nung bus, sumakay pa kami ng jeep pauwi.), sinigawan ko sya.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Nagulat sya sa'kin.
"Sinisigawan mo ko dahil doon sa gagong yon?!"
"Ikaw ang gago, Niel. Anong ginawa mo kanina? Parang naghahanap ka ng away a!"
"Nilagay ko lang sya kung saan sya dapat lumugar."
"Nilagay? Anong ‘kala mo sa tao, bag?!" Pikon na talaga ako. Nung naglalakad kami kanina, ang sama ng tingin nya kay Mark, hindi nya alam pumapatol yon. Kung hindi lang talaga mabait yung tao, nako.
"Bakit ganyan reaksyon mo? May gusto ka ba sa kanya?"
" A-a-a. . " Ano daw?! "Hindi mo dapat ginawa yon! Hindi yon basag-ulo katulad natin, Niel. Tao yon." Bumawi ako. tengeneng buhay ‘to. Hindi naman ako nananakit ng tao. May isang beses lang. HAHAHA. Kasi naman, naubos pasensya ko sa kanya. Makalait sya akala mo kilala nya ko buong buhay nya.
"Tao sya, kaya pati bestfriend mo inaway mo dahil sa kanya? Ganoon?" Galit na sya.
"Niel, alam mong hindi ko kinukunsinti kapag mali ka. At sa pagkakataong to, mali ka talaga. Wala syang alam sa'ting dalawa. Bakit mo sya ginanon? Akala ko ba gusto mo lang sya makilala? Anong nangyari?"
Tumahimik sya. Hallelujah.
"Sorry, nagselos ako." Normal ‘yon sa'min kasi madalas nya talagang sabihin yon dati, biro man o seryoso. Kahit na may boyfriend ako noon, ganyan sya. Madalas binabantaan nya dati yung mga nagiging boyfriend ko kaya alam kong hindi nila ako lolokohin. Takot lang nila kay Niel. HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Heartless B*tch
RomanceHappyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.