Chapter Twenty One: Slowly..

1.8K 39 5
                                    

Chapter Twenty One: Slowly

After a month, nasanay na rin ako sa set up namin.

Ginigising nya ako sa umaga para pumasok. Dahil isang oras lang ang time difference dito at sa Japan, keri lang naman.

7AM na doon kapag tumatawag sya para gisingin ako pero 6AM pa lang dito at nakanganga pa ‘ko. Pumapasok ako ng umaga hanggang hapon tapos hinintay ko syang matapos sa trabaho. Sa gabi, kung hindi magka-usap kami sa phone, magkachat kami sa yahoo messenger.

Kapag nakawebcam kami, napapansin ko na naman yung pagka-OC nya. Medyo nabawasan na ‘yon nang nakasama ko sya pero mukhang bumbalik na naman. Sobrang ayos ng kama at mga gamit sa likod nya. Yung mga libro nya sa shelves nya, by height.

Nagpagupit na rin sya sa wakas. Kailangan daw dahil sa trabaho nya. Nang umalis sya dito hanggang balikat na yung buhok nya at mukha na syang kabilang sa F4. Ayoko kasi nang gano’n. Gusto ko clean looking. Medyo mahaba pa rin yung buhok nya dahil sumasayad pa rin sa tainga nya pero okay lang. Mas pogi sya nang ganito. Hihi. :”>

Minsan nakikipagkita ako sa dalawang high school friends ko. Hindi ko sa kanila napakilala kay Yuuri noon dahil gahol na kami sa oras pero kilala nila ito dahil madalas kong ikwento sa kanila si Yuuri.

Napilitan ding gumawa ng friendster noon si Yuuri dahil sa’kin. Ayaw nya daw kasi ng social networking sites dahil napahamak na rin sya dati. Kinuha daw yung picture nya tapos inilagay sa isang ng fake account. Iba ang pangalan at mga impormasyon pero mukha nya yung nakalagay. Simula noon, hindi na sya nagbukas ng kahit anong social networking sites maliban sa Yahoo dahil kailangan daw yun sa mga nilalaro nya.. Wala syang picture do’n. Minsan kausap nya yung isa sa dalawang highschool friends ko, minsan din nag-uusap kami.

Ragnarok, Gunbound, Autojam, Ran.. Kahit offline nilalaro nya, lalo na yang dota na yan. Minsan nga naglalaro kami ng counter strike. Since gamer din ako dati kaso nagdalaga ako kaya mas ginusto kong tignan yung mga damit sa magazine kaysa maglaro.

Natawa nga sya nang malamang halos pareho kami ng nilalaro nang mauso ang PS1. Tekken 3 at Crash Bandicoot ang paborito ko sa lahat dahil may istorya yung laro. Tekken 3 din ang gusto nya noon at Medal of Honor.

Pareho rin kaming nabaliw sa Nintendo at sa Mario brothers. Buwis buhay ako dati noon, matapos ko lang ‘yon. Hindi ako tumatayo sa harap ng TV at naghahanap ako ng mga secret tunnel at daanan para masagip ko yung girlfriend na prinsesa ni Mario.

Doon lang ako nakakita ng iba’t ibang uri ng tambay ng kalsada. Yung tipong kapag nasagi mo mamamatay ka talaga tulad nang:

 -unidentified creature na may tuka at kulay maroon.

-pagong na may pakpak pero tumatalon lang.

-pagong na namamato ng lollipop at mukhang rakers dahil maraming spike.

-kabuteng naglalakad na kailangan mo pag habulin lumaki ka lang, tapos kapag hindi mo nahabol badtrip ka.

-bulaklak na pag kinain magkakasuper powers ka, at marami pang iba.

Tapos tatalon ako sa mataas na hagdan para maabot ko yung flag. Bumebwelo pa ko bago tumalon tapos delayed pala yung pagpindot ko kaya hindi ako nakatalon. Badtrip no?

Kapag natapos ko na yung lahat ng kalbaryo, nakaharap ko na yung na dragon ‘yon. Akala ko kapag nakalagpas na ko don yung girlfriend na nya yung nandoon! Peyk.  Tapos ibang mundo naman. Black yung background tapos ang daming ulap.. Badtrip ka na naman dahil isang mundo ng kalbaryo na naman.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon