Chapter Twenty Two: My Birthday

1.7K 39 6
                                    

Chapter Twenty Two: My Birthday

Isang araw bago ang birthday ko, may dumating na package sa bahay. Medium-sized box at nakapangalan sa’kin. Nang buksan ko yung box, natawa ako. May violet box sa loob ng medium-sized box at may nakalagay pang note doon na ang sabi ay,

'Just try to open this before your birthday, Pixie.

I’m warning you.'

Nacurious tuloy ako nang sobra. Ano kayang laman nito?

Nang buhatin ko, medyo mabigat..

Inalog ko ng konti.. May gumagalaw!

Sino kaya nagbalot nito?

Hmmm...

Kinagabihan, tumawag si Yuuri.

“Ano 'tong pinadala mo?” Bungad kong tanong.

“Hindi ba uso sa’yo ang ‘Hello’ o ‘How’s your day?’”

“Hindi ko alam ‘yon, English. Sagutin mo na yung tanong ko.”

“Mamaya mo ‘yon bubuksan. Mamayang 12mn.”

“Midnight? Ang gara. Eksaytment na ‘ko.”

“Okay, past 11PM na dyan di ba?”

“Oo.”

“Put the box right in front of you.”

Kinuha ko yung box at umupo ako sa kama ko. Inilagay ko sa harapan ko iyon at kinausap ulit sya.

“Then?”                                                                                                                                                

“See the straps on both sides? Remove them nang sabay.”

Inipit ko yung cellphone sa pagitan ng pisngi at balikat ko tapos hinawakan ko yung dalawang strap na sinabi nya,

“One.. two.. Three.—AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!! $!@%!%$#%@$@#%$!#$%$%$#$#@@$!”

May tumalon na mga ipis sa box!

Tumilapon lahat ng hawak ko at tumakbo ako palabas ng kwarto ko.

GAGONG YON!

May IPIS sa BOX!

ANG DAMI !

Pa’no nakalagpas ng eroplano yung hayop na package na ‘yon?!

Ambilis ng tibok ng puso ko tapos nanginginig talaga ko! HAYOP! Papatayin ata ako nito sa takot!

BAKIT KO BA TO NAGING BOYFRIEND?!

Dahan dahan akong nagpunta sa kwarto ko at sumilip..

SHET. Puro laruang ipis..  :((

Ganito ba yung mga laruang ipis sa Japan? Mukhang totoo.. :((

Tumalon ako at kinuha ko yung cellphone ko tapos lumabas ulit ng kwarto ko. Nang tignan ko yung phone ko, hindi pa rin napuputol ni Yuuri yung line. Itinapat ko sa tainga ko yung phone.. Tumatawa sya.

As in hindi sya makahinga KAKATAWA.

“HAYOP KA TALAGANG LALAKI KA. ”

Hindi pa rin sya tumitigil sa pagtawa.

“SINONG MATINONG BABAE ANG PAPATOL SA’YO HA? SIGE NGA. BALIW TALAGA AKO E.”

Tawa pa rin sya.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon