Dianna's POV
"Ha?! Bakit nya ginagawa yon?!" tanong ni Mike.
Hindi ko alam. Wala akong ideya, kung bakit sya nagtataksil sa Herera.
"Bakit?! Paano nyo nalaman?!" tanong ni Xian.
Kahit ako naguguluhan, Actually hindi naman talaga ako yung nakahuli sa babaeng yon! Hindi naman talaga ako ang nakahuli doon.
"Si Kim!" Sagot ni Janinna.
Napipi nalang ako, nakakahiyang makisawsaw pa sa usapan nila. Isa din naman ako sa walang alam eh?! Hindi porket head ako eh kailangan alam ko ang lahat. May mga personal na saloobin na dapat hindi ishinishare.
Pinakinggan ko lang yung mga usapan nila. Bahala kayo dyan!
"So, ako pala ang uunahin nila?!" sabi ni Mike.
"Nalaman ko kahapon nung hinahanap natin si Xian, Nakita ko sya na tumakbo galing sya sa loob ng stock room kung saan nakita ko si Xian." Sabi ni Kim.
Napa-tango nalang si Janinna at Xian. "Paano naman napasok si Gia sa trinity kung taga herera sya?!" tanong ni Xian.
Kahit ako naguluhan, natahimik kami ng sandali. Halos dalawang minuto din ang katahimikan, pero nagulat ako ng bigla silang tumitig saakin.
"Oy?! Anong tinitingin-tingin nyo saakin?! Labas ako dyan! Di ako traydor." Depensa ko.
Nagulat ako e, Aba malay ko bang baka iniisip nila na ispiya ako. Mahirap na. OA na kung OA.
"Wag kang masyadong defensive leader. Wala kaming sinasabi!" Natatawang sagot ni Mike.
Inirapan ko nalng silang lahat na pinipigilan yung pagtawa nila. "Umayos nga kayo! Seryosong usapan, parang mga tanga eh!" Saway ko.
Bigla nalang silang nanahimik. "So, bat ka nanahimik?" tanong ni Janinna.
"Iniisip ko kasi kung bakit naging assassin si Gia. Nakakapagtaka lang, di ako makapaniwal-"
hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng biglang sumabat si Kim.
"Hindi ka makapaniwala kasi matalik mong kaibigan." bigla nalang syang naging seryoso. "Kahit ako rin naman eh, mahirap paniwalaan na yung palagi mong kasama ay isa palang traydor." Lumapit sya saakin habang sinasabi nya yon. ...
Problema ni Kim? May pinupunto ba sya!!
Tumayo ako. "So anong pinapalabas mo, Kim?! na baka, kasabwat ako?!" pranka ko sakanya.
Ngumiti nalang sya saakin at dahang-dahang naglakad papunta sa pintuan. "Wala akong sinasabi, If that's your understanding. Well, that's not my business anymore." Sabi nya.
Tsaka lumabas na sya.
Tinignan ako nila Mike, Xian at Janinna. Yung totoo, are they doubting na I am a spy?
"Don't tell me nag-do-doubt kayo?!" Sabi ko sakanila. Hindi sila sumagot.
Pinikit ko nalang yung mga mata ko. "Okay guys, lalabas lang ako. Nakakahiya naman sainyo, napagtutulungan ako e!" Sabi ko tsaka lumabas na ako ng kwarto.
*******
Kim's POV
Lumabas ako ng kwarto, Sana sumunod kang lumabas, Diannaaaa!.
Mali kayo, hindi namin pinag-dududahan si Dianna. Sinabi lang namin yon para maki-isa sya sa plano ngayo't alam na namin na si Gia na best friend nya ay isang traydor.
*Creeekk-kkk*
"Bwesit! Napagbintangan pa ako!" ani nya ng pagkalabas nya.
Sabi na eh, lalabas din sya. Nang nakalayo na sya ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto.
"Ano?! Handa na ba kayo?" tanong ko.
Ngumiti silang tatlo. Ang totoo nyan ay hindi talaga si Mike ang target ni Gia. kundi si Dianna. Mahirap paniwalaan pero nang malaman ko kahapon kung sino yung kasabwat ni Zia sa pagdukot kay Xian ay naghanap na ako ng background information ni Gia.
Sabi doon si Gia at Zia ay magkapatid. at yung pumatay sa parents ni Dianna ay ang daddy ni Gia at Zia, dahil pinatay ng parents ni Dianna ang mommy ni Gia at Zia. Naghihiganti ngayon si Gia dahil sa pagkamatay ni Zia kahapon.
Kaya pinalabas namin na si Mike ang target ni Gia, dahil ayaw naming gumawa ng careless move si Dianna. Mahirap na, baka mabulilyaso pa.
Dali dali kaming sumunod kay Dianna. Palihim lang kaming sumusunod para naman makaattake din kami kay Gia.
"Nararamdaman ko na si Gia!" bulong ni Xian.
"Wag tayong maghihiwalay! Mahirap na at baka imbes na si Dianna lang ang protektahan natin eh makadagdag pa kayo!" Sabi ni Mike.
"Oh! Sorry na, wag ka nang magparinig brad!" Sarkastikong sabi ni Xian.
Natawa nalang si Mike at Janinna. "Tama na yan! Baka mamaya mawala sa paningin natin si Gia." Singit ko.
Wala silang nagawa kundi tumahimik ng bigla kaming makarating sa Gubat ng Global University.,
Ano to?!
****
Leave Votes and Comments, Thanks.
BINABASA MO ANG
School Assassins: Herera College ✔️
JugendliteraturIsang paaralan na nababalot nang nakaraan.. Nang mga estudyanteng inaakala mong natural. Ayon pala'y kriminal.. Limanb estudyante galing sa iba't ibang lugar ang magsasama.. What if these 5 students assign in a school war competition?! They would b...