21 Quiet Forestry

248 16 0
                                    

Kim's POV

Ano 'to?!

"Huh?! Ano 'to guys?!" Nagtatakang tanong ni Janinna.

Tinignan ko lang sila ng masama, mukha bang alam ko kung nasaan na kami?!

Nawala na sa paningin namin si Dianna. Pero si Gia yung nasa paningin namin ngayon.

"Anong gagawin natin dito?! Papasok pa ba tayo?!" tanong ni Mike.

Nakakaasar! Bakit ako maglelead dito eh hindi naman ako yung leader?!
Tinignan ko nlang sila, pero tinignan nalang din nila ako ng masama.

"Oh?! Don't tell me ako ang maglelead sainyo?!" Pagtataray ko.

Inirapan nalang nila ako. "Obviously, Sino pa ba?!" sabi ni Xian.

So, may magagawa pa ba ako?

Umatras ako ng kaunti at tinignan ko sila. "Okay fine! So ganito, pupunta tayo doon. Susundan natin si Gia, kahit anong mangyare?! Ihanda nyo yang mga gamit nyo!" Utos ko.

Hindi ko alam kung nasaan kami, pero i-isa lang ang nakikita namin. Isang malaking building sa gubat ng Global University.

Nagsimula na kaming maglakad. Nung una nagtataka kami kung bakit may gubat ang Global University tapos ngayon magkakaroon ng isang malaking building sa loob ng Gubat?! Ano lokohan?

Nakarating kami sa harapan ng building kaso napahinto ako. Ano 'to? Sariwang dugo?!

"Sariwa pa yan, Kim!" Sabi ni Mike.

Umupo ako ng kaunti at pinunasan ang dugo.

Inamoy ko ito, at "Oo nga, masyado pa itong sariwa." sagot ko.

Napahinto kami lalo sa pag-iimbestiga sa dugo ng may marinig kaming putok ng baril sa loob ng building.

Walang pag-dadalawang isip na pumasok kami sa loob ng building at masasabi kong puro sariwang dugo lang ang naroon. Ano ba 'to? Factory? Ng mga kinatay na hayop? O tao?

Hindi namin matukoy kung sa tao ba o hayop yung mga dugong nakikita namin.

Pilit naming sinusundan yung amoy ng bagong pulbura. Hindi kasi kami basta-bastang killer. Assassins kami, masasabi namin na hindi pa kami ganun ka propesyonal pero hindi din kami ganun ka amateur para hindi malaman kung saan nang-galing yung putok.

"Doon Kim, sa pintuan na yon nang-gagaling yung amoy!" Utos ni Xian.

Mabilis kaming tumakbo ng marahan sa kwarto na yon.

Tinulak ni Xian ng dahan-dahan yung pintuan na yon dahilan para manlaki ang mga mata namin.

"Oh god! Where are we?!" nagugulat na tanong ni Janinna. "Ano ba tong lugar na to?!"

Lahat kami nagulat sa pagbukas namin ng pinto.

Bangkay ng mga tao, NAPAKARAMING TAO!

Lumakad kami papasok sa loob, ni hindi namin alam kung sa lugar na ba yon kami mamamatay o hindi. Basta pumasok nalang kami.

"Hindi 'to basta-basta mga tao." mahinang na sabi ni Mike.

Lahat kami napatingin sakanya ng nakakapagtaka. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Ang ibig kong sabihin, hindi sila ordinaryong tao...-Mga Assassins sila!" Sagot nya.

Ano?! Assassins?! Paano?

"Huh? Paano? Bakit napaka-rami? Nakateng-gang mga bangkay ng assassins sa kwartong ito?" tanong ni Xian.

Napatigil kami nung biglang may humawak sa paahan ko. Dahilan para mapasigaw ako.

"WHAAAAAA!-AWP!"

Tinakpan ni Janinna yung bunga-nga ko. "Wag kang maingay."

Tinignan ko yung taong humawak sa paa ko. Isa syang babae, naka-dapa at naliligo sa sarili nyang dugo kasama ang mga bangkay at mga malalansang dugo.

"Sino ka?!" tanong ko.

"Natalia Aleina Alcantara! Taga-Herera!" Sabi nya, halatang hinahabol nya yung hininga nya. "Tulungan nyo ko!! Parang-awa -nyo na!!" Umuubo nyang sabi.

Nagtinginan nalang kaming apat. Nagtaka kami kasi taga-herera daw? Eh kami lang naman apat ang naandito bukod kay Dianna na wala dito. "Ano?! Tulungan na ba natin?" tanong ko sakanila.

Hindi pa naman masyadong natamaan tong babaeng 'to, kaya tinulungan nalang namin syang umupo. Nilayo din namin sya sa mga umaalingasaw na mga bangkay.

"Sagutin mo muna yung mga tanong namin!" Pangungulit ko sakanya.

"Oo, Sasagutin ko-mamaya! Lumabas-muna tayo!" Na-uubo nya pang sabi.

Inirapan ko nalang sya. "Wag ka ngang magda-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla akong putulin ni Janinna.

"Ano ba Kim! Tama sya, doon nalang natin sya tanungin kapag nakalabas na tayo rito!" Naiinis na sabi ni Janinna.

Okay Fine. OA naman neto!

"Isa pa, delikado talaga dito. Kaya umalis na tayo!" dagdag ni Xian. "Diba Mike?"

Nilingon namin si Mike, pero hindi sya sumagot. Sumenyas sya na takpan wag maingay.

Nilapit nya yung tenga nya sa pintuan ng kwarto na 'to. Inantay namin na magsalita sya.

"Dahan-dahan tayong lalabas dito! Sigurado na akong may tao na sa labas!" Mahinang sabi ni Mike.

Kahit ako naguguluhan, kaya hinayaan ko nalang syang kumontrol ng mga gagawin namin.

"Paglabas natin, Kayo Janinna at Mike ang aalalay sa babaeng yan. Kami na ni Kim ang magbabantay sa likod nyo." sabi nya.

Tumango nalang kami. "In case na biglang may umatake, stick to the plan. Kayong tatlo ang lalayo at kami na ni Kim ang makikipaglaban. Kung maaari, hanapin nyo si Dianna." Dagdag nya.

Minsan napapa-isip ako kung sino ba talaga tong si Mike. Masyadong pamysterious.

"Nagkakaintindihan ba?" Paninigurado nya.

Tumango nalang kami, wala ni isa ang nanga-has na magsalita. Seryoso si Mike eh? Pero nagulat ako ng tumingin sya sa babaeng taga-herera daw kuno?!

"At ikaw? Wag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak namin? Kundi ako mismo ang papatay sayo? Nagkakaintindihan ba tayo?!" Seryoso na naman nyang sabi.

"Oo naman. Ako si Natalia para naman magtiwala-kayo! Kilala ako satawag na yan. " sabi nung babae.

Tinigil ko na yung usapan nila kasi masyado na akong Na-susuffocate dito. Hindi na namin kinakaya yung baho at langsa. Ewww~

"Tama na yan! Mamamatay na kami sa amoy ng mga bangkay dito! Eww~" Sabi ko.

"Arte mo ha?" Singit nung Natalia. Inirapan ko nalang sya.

Sumenyas na si Mike na lumabas ng pinto. Nauna si Xian habang si Janinna naman ay inaalalayan yung Natalia na maglakad. Kami naman ni Mike ay nakasunod lang sa likod nila habang naglalakad.



Sana walang mangyare na hindi maganda!



*****

Please leave your votes and comments. How's your day?! guys?

hyduuush





School Assassins: Herera College ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon