24 Pala-isipan

246 15 2
                                    

JANINNA'S POV

*knock knock*

Nagulat ako at natigil sa pagsandal sa pintuan ng biglang may kumatok.

Napaatras si Natalia at nilayo nya yung mukha nya saakin.

"Magtago ka muna dyan!" utos ko sakanya.

Mabilis syang nagtago. Binuksan ko naman yung pintuan.

*PAK*

Hinawakan ko nalang yung kanang pisngi ko. Bakit nya ginawa 'to?

"B-Bakit mo ko sinampal?" tanong ko sakanya.

Ang sama ng tingin nya saakin habang nakatayo sa labas ng pinto. Hindi ko maipinta yung mukha nya. Para bang gusto na nya akong patayin.

Nagulat ako ng bigla syang lumapit saakin at kinuwelyuhan ako. "B*TCH! ILABAS MO SI FRANCO AT SI DRAKE!! KUNG AYAW MONG MAMATAY! ILABAS NYO NA SILA!!" Naiiyak na sigaw niya.

Kumunot agad yung noo ko. Tinapik ko yung kamay nya na nasa kwelyo ko. "Anong pinagsasabi mo?! W-Wala akong a-alam?!" tangi ko.

*PAK*

Kaliwa naman ngayon yung hinawakan ko. Sumusobra ka na talaga!

"Ano ba Era! W-Wala nga kaming alam sa pinagbibintang mo saamin?!"

Biglang naging maamo yung mukha nya at hinawakan yung balikat ko.
"Oo na! Sasabihin ko na ako yung pumatay kay Sari kahit hindi naman talaga ako! Parang awa mo na Janinna, Ilabas mo na si Franco at Drake!" Nagmamakaawang sabi ni Era.

Ano bang nangyayare?!

Pinapasok ko muna sya sa loob ng kwarto namin. Tumingin din ako sa direksyon ni Natalia at kinindatan ko sya para magpahiwatig na magtago.

"Hindi namin alam ang sinasabi mo Era?!" Bungad ko.

Kinuha nya ang phone nya sa pocket nya at may pinarinig sya sa akin na message.

'Hawak ko ang dalawang assassin sa buhay mo, Era! Kung gusto mo pang makita silang buhay, Umamin ka na sa ginawa mo! Sabihin mo na na pinatay mo si Sarah. Doon mismo sa kwarto ng mga Herera ka magsabi! Sabihin mo ang katotohan! SABIHIN MOOO! Hawak ko din pala ang dalawang assassin ng Herera, isang CGA at isang SNIPER. *evil laugh* Tanging ang mga assassins lang ng Herera ang makatulong sayo para maligtas mo ang dalawa.'

Natahimik ako bigla. Hindi ko alam kung kaninong boses yon kasi robotic ang ginamit bago isend kay Era.

"Help me Janinna! Ayoko pang mawala sila Drake at Franco." Naiiyak na sabi ni Era.

Napatayo ako. Hanggang ngayon may gusto padin si Drake sakanya.

"Kahit ako din! Ayoko pang mawala si Kim at Mike pati na si -Drake!" Natigilan sya sa paghikbi nung narinig nya yung sinabi ko. "Don't worry andoon na sila Dianna at Xian."

Nginitian ko sya sa pagkakataon na yon. Pero hindi nya ito sinuklian. I can't blame her, natatakot sya at kinakabahan.

"Sundan natin sila. Mahirap na delikado ang kalaban nila." -era

Sabagay may punto din sya. Sige susundan na muna namin sila.

Palabas na kami ng pintuan ng bigla kong maalala na may kasama pa pala kami sa kwarto. Si Natalia

"Mauna ka nang lumabas Era. May kukunin lang ako sa loob." Sabi ko.

Tumango nalang si Era at lumabas. Di nadin agad ako nagtagal sa loob.

"Maiwan ka muna dito!" sabi ko sa babaeng kasama ko dito sa loob atsaka tuluyan na akong lumabas ng pinto.


XIAN'S POV

Nakakapanibago si Dianna habang naglalakad kami. Kanina pa sya parang wala sa sarili.

"Dianna! Ano ba?! Umayos ka nga!!" Napasigaw na ako nang malakas dahil sa inaasal nya.

Sa ginawa kong yun ay napatigil ko sya. Hindi sya nakagalaw sa pagkakatayo nya. Kaya sinamantala ko na at nilapitan ko sya. Hinawakan ko yung braso nya at pumwesto sa harapan nya.

"Problema ba Dianna?!"

Hindi sya sumagot, niyuko nalang nya ang ulo nya.

"Isa-sabihin mo na! Para naman may maitulong ako!"

Sa sinabi kung yon ay napataas na ang ulo niya. "Ako na magsasabi-hindi ka makakatulong Xian!"

Pagkatapos nyang sabihin yon ay nagpatuloy na sya sa paglalakad. Ewan ko pero parang may kumirot banda sa dibdib ko. Parang dinamdam ko yung sinabi nya. Wala nga ba talaga akong maitutulong?


Ano ba kasing meron dito!

School Assassins: Herera College ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon