DIANNA'S POV
Hindi ko alam kung gagalaw ba ako sa pwesto ko. Hindi ko mai-lakad yung paa ko. Gustuhin ko mang lumapit kay Kim. Hindi ko magawa.
"Wag kang tumayo lang dyan Janinna! Tulungan mo kami!" Sabi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, patuloy padin ang pagpatak ng luha ni Janinna. Habang si Xian ay pinipilit na matanggal yung tali.
"T-tulungan mo kami!" Sabi ni Xian.
Mabagal na lumapit si Janinna. Hindi ko kasi kaya na makita si Kim na ganyan, Binaril ang kaliwa nyang mata.
Hindi ko na napigilan ang luha ko, kusa na syang bumagsak ng makalapit ako sakanya.
"Lumaban ka Kim, gaganti ako!" Sabi ko.
Sinara ko nalang yung palad ko.
Hindi rin nagtagal ay natanggal na yung tali doon sa dalawa. Kahit na may tama sa mata si Kim ay pinilit padin nyang tumayo.
MAKAKAPATAY TALAGA AKO DITO!!
Kung sino ka mang gag* ka. Humanda ka saakin.
Dumaan kami sa pinto kahit alam ko na baka nag-aantay sa labas ang salarin.
Kinuha ko yung baril na nasa gilid ko. Dahan-dahang lumabas si Era kasama nya si Xian at dala dala niya si Drake. Samantalang ako at si Janinna naman ang umaalalay kay Kim.
"D-Dianna, K-Kilala ko na sya!" Bulong saakin ni Kim.
Napa-tingin ako sakanya. "Sino?"
Pinagpatuloy namin ang paglalakad. "Hindi! H-Hindi nyo pwedeng malam-man. A-Ako lang ang p-papatay sakanya!!" Nangangatog nyang sabi.
Tinitigan ko nalang si Kim. "Sabihin mo na!"
Iniwas nlang nya yung tingin nya saakin. "Psssh—Wag kayo munang maingay, may nararamdaman ako." Bulong ni Era.
Nanahimik ako. Pero bigla nalang pumasok sa isipan ko si Mike.
"Kim! Si Mike?!" Tanong ko.
"H-Hindi ko alam. W-Wala sya nung nagkamalay kami. " Sagot nya.
Mabilis kaming nakarating sa may pintuan. Ayokong mangyare kay Mike ang ginawa ng gag*ng killer na yon kay Kim.
"Lumabas na kayong apat!" Sabi ni Era.
Napatingin ako sakanya, nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Sya?! Sya pa talaga ang nag-sabi non? Ako dapat eh! Balak kong sabihin yon.
"Ano? Aangal ka pa ba Dianna?" Sabi ni Era.
Inirapan ko nalang sya.
"H-Hindi ko na kayo iiwan!" Sabi ni Janinna.
Ano? Nahihibang na ba sya?
"Tumigil ka na nga Janinna!"saway ko.
"Ano? Nahihibang ka na ba? Gusto mo bang mapahamak na naman kayo?" Sabi nya.
"Bakit? Kapag ba kasama ka namin e hindi na kami mapapahamak?" Sabat ni Era.
Napatingin ng masama si Janinna kay Era. Pati sila Kim at Xian ay napatinggin din.
"Wag kang makisali dit—"
hindi na nya ito pinatapos. "Makikisali ako, kasi habang tumatagal kayo sa pag-uusap nyo, may mga tao nang nasa panganib."
Natigilan si Janinna sa pagsasalita. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya yon sa harap ng head ng kausap nya.
"Halikana Janinna.." Niyaya na ni Xian si Janinna.
BINABASA MO ANG
School Assassins: Herera College ✔️
Teen FictionIsang paaralan na nababalot nang nakaraan.. Nang mga estudyanteng inaakala mong natural. Ayon pala'y kriminal.. Limanb estudyante galing sa iba't ibang lugar ang magsasama.. What if these 5 students assign in a school war competition?! They would b...