26 Ey Leftica

245 15 1
                                    

DIANNA'S POV

Habang naglalalad kami ay napansin ko na parang may kakaiba kay Xian.  Parang may kakaiba.

Binagalan ko nalang yung paglakad ko.

"Oh?! Bakit parang bumabagal ka ha?" Naiirita nyang tanong. Hindi kaya sa nasabi ko kanina kaya nagakaganito sya?

"Ah—wala lang! Napansin ko lang na masyado na akong mabilis kaya kailangan ko nang bagalan para di tayo magkahiwalay.." palusot ko.

Iniwasan nalang nya ako ng tingin at nagpatuloy sya ng paglalakad. Nang biglang....



*BANG*

"Saan nang galing yon?" Kinakabahan nyang tanong.

Napailing nalang ako. Nagulat ako nang bigla syang tumakbo, tumakbo papunta sa pintuan na may pulang marka ng Ey Leftica. Ang pintuang may sumpa.



"Wag kang papasok dyan!!" Sigaw ko pero hindi nya ako pinakinggan. Nagpatuloy lang sya sa pagtakbo. Wala akong nagawa kundi habulin sya.


Nang biglang—


******

JANINNA'S POV

Hindi mawala yung tinggin ko kay Era, paano kapag kasama pala to sa mga plano nya? Paano kung sya pala ang killer? Paano kung balak nya akong patayin? Hindi nyo rin ako masisisi dahil sa binigay na impormasyon ni Natalia. Na baka taga trinity ang killer?!


"Nga pala?! Nasaan yung isa nyong kasama?" Tanong ko kay Era.

Patuloy padin kami sa paglalakad. "Si Hanson?" Tanong nya.

Hindi nya ako tinignan pero alam ko naramdaman nya yung pagtango ko. "Nawawala sya. After ipakilala ng mga Alumnaes at Alumni ay may nangyareng kaguluhan. Biglang may nagpasabog ng teargas... Halos lahat kami na naandoon ay nawalan ng malay. Pagkatapos no'n nawala na ang mga kasama kong assassins. Pati sa Monte Carlo, Ynares at West Side ay nawalan din sila ng assassins. Una nga naming pinaghinalaan ay kayo–kayong mga Herera." Napabuntong hininga nalang si Era.

Napakunot ako ng noo. "Bakit kami?"

Nginitian nya ako. "Kasi kayo yung wala roon. Kayong eskwelahan lang ang kumpletong nawala nung nangyare ang gulo." Sagot ni Era.

"Pero bakit kami? Kaya lang naman kami wala doon dahil hinanap namin si Mike. Nung mga panahon kasi nayon ay papatayin sya ni—

"—ni Zia?" Sabi nya. Hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi sya na mismo ang nagsabi nang pangalan ni Zia.

Natahimik nalang ako nang biglang—




"May napapansin ka ba?" Tumigil sa paglalakad si Era at hinarangan ako.

Napatigil din ako sa paglalakad. "Ha?"

Tinaas nya ang kamay nya at tinuro yung pintuan na may pulang marka.

Ey leftica?



"Hindi ko alam ang markang yan?" Sabi ko.

Lumapit kami sa pintuan at hinawakan ang marka.

Marka sya ng dugo. Pero itinigil na agad namin ang pagtingin ng napansin namin na may kakaiba sa loob.

"Ikaw makakatas?! *Evil laugh*"

Nagtinginan nalang kami ni Era. Pamilyar saakin yung boses na yon eh.


"Hindi kaya sya ang kille–" hindi na natapos ang sinasabi ni Era ng biglang may ....





*BANG*


Hinila ako ni Era papunta sa gilid. Naramdaman nya siguro na parang may tumatakbo. Tahimik naming inabangan kung sino ang tumatakbo ng biglang.

"Si Xian yan Era, hilahin mo!" Sabi ko kay Era.

Mabilis naman nyang hinila si Xian, pero napansin kong may kasunod sya kaya hinila ko na din yung kasunod nya—



"Era at Janinna?" Nagulat ako nang biglang bigkasin nung babaeng hinila ko ang pangalan ko.

"Dianna?" Sagot naman ni Era.

Agad nabitawan ni Era ang hinugot nyang lalaki na si Xian. "Bakit kayo magkasama?! Wag mong sabihin na—" hindi ko na pinatapos si Xian.

"Mali ka nang iniisip, Tutulungan tayo ni Era pero tutulungan din natin sya." Sabi ko.

Napatahimik si Era at si Xian at Dianna naman ay nagtataka. "Ano?" Tanong ni Xian.

"Ganito yun Xian! Hawak kasi nung suspek si Drake at Franco kaya balak kong tulungan si Era at tutulungan din nya tayo. " paliwananag ko.

"Paano kun—" hindi na pinatapos ni Era si Dianna.

"Wag kang mag-alala. Hindi ako babali nang usapan." Sabi ni Era.

Inirapan nalang sya ni Dianna, "Talaga lang ha?"

Natahimik silang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan na Ey leftica

Kanya kanyang tago kami.

Nagulat kami nang biglang may tinapon na tao sa labas ng pinto. At bigla itong sinarado.

"Bangkay na yan!" Singin ni Dianna.

Nagtago ulit kami nang biglang lumabas ang killer, nakabalot sya ng tela. Lahat ay balot sa killer. Nang makalayo sya ay agad kaming dumiretso sa loob.


Nagpatigil saamin ay ang nakita namin. Isang lalaking nakagapos sa isang makapal na kahoy. Mukhang walang malay ang lalaki.

Tumakbo agad si Era nang makita nya yun. Agad nyang kinalasan ang lalaki.

Pero ang mas  ikinagulat naming lahat ay ang nakita namin. Isang babaeng nakagapos sa isang napakakapal na kahoy at naliligo sa sarili nitong dugo.

Napatakbo nalang bigla si Dianna at si Xian. Ako? Hindi naka-galaw sa kinatatayuan ko.

Hindi to maaari. Si Kim, walang malay!

***
A/N: Sino kaya ang Killer nayon? Sa lahat ng nagbabasa nito, paki-comment kung sino sa tingin nyo ang Killer. Ang makahula ng tama ay i-dedicatan ko ng chapter.

-hyduuush

School Assassins: Herera College ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon