Janinna's POV
"Diannaaa!! Dalian mo! Tulungan mo na kami!" sigaw ko nung makita ko si Dianna.
Nasa tapat na kami ng Cafeteria ng makita namin si Dianna. Nakatayo sya doon at nakahawak sa noo nya, halatang kabado sya.
Mabilis syang tumakbo malapit saamin at tinulungan kami sa kasama namin.
"Saan ba kayo galing? At nasaan sila Kim at Mike? at Sino 'to?" mga tanong nya.
Tinadtad pa kami ng tanong. Pero hindi ngayon yung oras para magQ&A portion, kailangan kami ngayon nila Kim.
"Nandoon sila, naiwan namin sila doon-dalian mo na Dianna, kailangan na nating bilisan." Pagmamadali ni Xian
Maingat naming dinala si Natalia sa loob ng kwarto namin. Buti na nga lang at busy yung ibang mga estudyante. Nakaka-asar lang kasi kinakabahan ako sa mga mangyayare.
"Ihiga mo na sya Xian."sabi ko.
Napalingat ako sa orasan at nakita ko na halos 30 minutes kaming naglakad papunta dito. Paano na sila Kim?
Tinignan ko agad si Xian at Dianna. "Kayo muna ang sumunod kila Kim! Ako nang bahala dito-" Napatingin naman ako kay Natalia."Besides, di natin sya pwedeng iwan! Magagamit natin siya!"
Inirapan nalang ako ni Natalia. Alam kong may hindi ka pa sinasabi saamin..
"Sige, Aalis na kami Janinna. Ikaw na ang bahala sakanya! Alam kong kaya mo na yan!" Sambit ni Dianna.
Mabilis silang lumabas. Ngayon, Gigisahin kita Natalia!
DIANNA'S POV
"Ano ba kasing nakain nyo bakit kayo pumunta doon?!" Patuloy na sermon ko kay Xian habang natakbo.
"Pwede bang manahimik ka na muna Dianna, Okay fine. Sorry, binalak kasi naming hulihin si Gia. Kaso bigla na lang kaming nakarating don sa lugar na yon!" Sagot naman ni Xian.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin ni Xian.
Napahawak nalang ako sa noo ko! Naman kasi eh!
"Mamaya na nga ako magtatanong sainyo! Bilisan na natin"
Hanggang sa naaninag na namin yung building na tinutukoy nila. Yung building sa loob ng gubat!
Bakit sila napadpad dito?!
JANINNA'S POV
Sa tingin mo makukuntento na ako sa sinabi mo kanina. Ibahin mo ko!
Ni-lock ko ang pinto at hinawakan ng mahigpit yung doorknob.
Binigyan ko sya ng pinakamasama kong tingin. Magigisa ka talaga saakin ngayon.
"Sino ka ba?!" tanong ko.
Hindi na ako nagulat ng bigyan nya ako ng nakakalokong ngiti.
"Kilala mo na ako, bakit ka pa magtatanong?" sagot nya.
Inayos nya ang upo nya sa kama ko.
"Wag mo kong lokohin! Ibahin mo ako Natalia, Uulitin ko! Sino ka ba?" sa pagkakataon na yon ay diniinan ko na yung tanong ko sakanya.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil pamilyar saakin yung itsura nya.
Mas lalo nya akong binigyan ng nakakaloko nyang mga ngiti. Nagulat ako ng bigla syang tumayo at naglakad papunta saakin, gamit yung mga ngiti nyang nakakaloko.
"Ako lang naman si Natalia Aleina Alcantara-Herera!"
Nagulat ako sa sinabi nya, dahilan para mapaatras ako at mapasandal ng todo sa pintuan.
"NA Herera? Kapatid ni Sari?"
DIANNA'S POV
Mabilis na pumasok si Xian ng makita namin yung building na 'yon.
Nilakad ni Xian ng mabilis yung hallway.Ayoko na kasing bumalik dito-pero hindi ko alam na dito pala sila napadpad! Tago na talaga tong building na to eh?! Bakit pa kasi sila pumasok dito.
Hindi ako nagsalita at hindi ako sumasabay sa bilis ng paglakad nya. Ayoko na talaga dito!
Napahinto si Xian at tinignan ako. Siguro nakaramdam na sya na wala ako sa mood. "Okay ka lang ba Dianna?"
Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad. Ayoko nang bumalik dito pero bakit kusa akong nilalakad ng paa ko.
"Hoy! Dianna tumigil ka nga sa paglakad!" Sigaw ni Xian.
Medyo malayo na ang pagitan namin. May-naamoy kasi akong hindi maganda.
"Dianna! Huminto ka nga muna!" Sigaw nya ulit.
pero hindi ko sya pinakinggan. Ayokong makinig sakanya sangayon. Kailangan kong malaman kung saan nya na dinala si Kim at si Mike.
Kilala na kita?! Humanda ka saakin!
BINABASA MO ANG
School Assassins: Herera College ✔️
Teen FictionIsang paaralan na nababalot nang nakaraan.. Nang mga estudyanteng inaakala mong natural. Ayon pala'y kriminal.. Limanb estudyante galing sa iba't ibang lugar ang magsasama.. What if these 5 students assign in a school war competition?! They would b...