VII.

20 4 0
                                    


(Snow)

Nasaan ba yung si Celesti? Kung kailan kailangan dun nawawala. Kailangan kasi sila dun sa Arts Club para kumuha ng pictures. Ako at si Calloway pa yung nautusan kaya eto hinahanap ko yung ayaw magpakita. Ayoko naman kasi kausapin yung ibang Photography members -_-

Susuko na sana ako pero bigla ko syang nakita na nakaupo sa isang bench habang nakangiti. Nababaliw na naman yata toh.

Lumapit ako sa kanya.

"Oy/Uy" napatingin ako sa nagsalita din.

At nanlambot ang tuhod ko kaya na-out of balance ako.

Shit! Nandyan na naman ang malas~

---------------------

(Calloway)

Nakakainis naman yung President namin sa Arts Club! Napagutusan pang sabihin sa Photography na kailangan namin sila para picturan yung mga design dun sa Club.

Dahil sa ayoko namang kumausap ng iba hinanap ko na lang ang kapatid kong si Celesti.

Pumunta ako sa open ground dahil alam kong dun lang yun pupunta. At hindi naman ako nagkakamali at nakita ko syang nakaupo dun at tawa ng tawa kasama si Ahmet. Oo kilala ko yan si Ahmet dahil pumupunta yan sa bahay para makipagchikahan sa kapatid kong babae -_- bading yata yan eh.

Nung umalis na si Ahmet tinignan ko muna si Celesti. Ayoko syang tawaging Celesti dahil ayaw kong mabatukan -_-

Lumapit ako sa kanya dahil nababaliw na naman sya. Nakangiti magisa eh.

"Oy/Uy" napatingin ako sa nagsalita din at nakita ko si Snow na nakatingin sakin.

Lumingon naman si Celesti dito na nakangiti. Baliw.

Nagulat kami ni Celesti dahil biglang na out of balance si Snow. Agad ko naman syang nahawakan sa bewang. Bakit ganun? Parang may kakaiba sa kanya. Ang weird.

"Ok ka lang?" Nagaalala kong sabi. Ang clumsy nya kasi.

"Ok lang ako." Bumitaw na ako at sya naman inayos yung gamit nya.

Habang ginagawa nya yun tinitigan ko sya. Para talagang may kakaiba eh.

"Uy Dos! Baka matunaw." Bulong ni Celesti at siniko pa ako. Bwiset naman toh! Ganda ng view eh.

Teka? Ano daw? Wala kalimutan nyo na yung sinabi mo -_-

"So bakit kayo nandito? May kailangan kayo?" Lumipat-lipat pa ang tingin nya saming dalawa.

Tumingin ako kay Snow na sinasabing sya na lang magsalita. Pero tumingin din sya sakin na sinasabing ako na lang. Napabuntong hininga ako. Bakit parang wala akong magawa kapag sya ang nagsabi?

"Kailangan daw kayo sa Arts Club." Bored kong sabi.

"At? Sinong kayo?" Nakangiti pa sya. Nangaasar talaga.

"Kayong lahat. Ok?" Inis na sabi ni Snow.

Shit! Bakit ang ganda nya kahit naiinis? Arrrgh! Ano bang nangyayari sa akin? Napaubo naman si Snow kaya napatingin sya sakin. Bakit sya tumitingin? Napaiwas kami ng tingin sa isa't isa dahil nagsalita si Celesti.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon