XXXXII.

7 2 0
                                    

(Serge)

Napasimangot ako ng mauna na naman sya kay Celesti. Bwiset! Bakit kasi ang bagal-bagal ko? Hindi man lang ako maka-score.

"Ok lang yan! May plano ako para mapalapit ka sa kanya." Bigla na namang sumulpot si Snow kung saan.

"Ano naman yun?" Nagulat kaming pareho ng sumulpot din si Calloway sa gitna namin.

"H-ha? Anong pinagsasabi mo? Wala kaya." Sabi ni Snow at lumapit na kila Celesti.

Tinignan ako ni Calloway. Nagkibit-balikat lang ako at iniwan na sya dun.

(Casimir)

"Hoy! Bakit ngiting-ngiti ka dyan?" Tanong ko kay Reev. Mukha kasi syang aso sa ngiti nya. Sobrang lawak.


"Ang sweet kasi nila." Sabi nya habang nakangiti sa kawalan. Ano daw? Tinignan ko kung sino yung tinitignan nya. Napakunot ang noo ko.

"Yan talagang si Brick oh! Kung dumamoves sa kapatid ko wagas!" Napailing na lang ako. Nagulat naman ako ng hampasin ako ni Reev.

"Bakit ka ba nangingialam sa kanila ha? Palibhasa walang lovelife." Sabi nya habang hinahampas ako. Ano bang problema nito?

"Teka nga! Bakit ka ba nanghahampas? Tsaka may lovelife na ako! Ikaw? Meron ka ba?" Napatigil sya sa tanong ko. Oh diba? Sya ang walang lovelife.

"Tignan mo. Meron na si ate ng Brick at Serge. Si Snow naman meron ng kuya Dos. Eh ikaw? Hayaan mo. Nandito naman ako." Inakbayan ko pa sya at mas lalong inilapit sa akin.

"H-hoy! A-anong pinagsasabi mo dyan?! Tigilan mo nga ako!" Sabi nya at tinanggal pa yung pagkakaakbay sa akin. Umalis na sya para umorder ng pagkain nya.

Napangiti na lang ako.

(Celesti)

Umorder na kami lahat ng makakain. Gutom na akoooooo.

Umupo na ako sa mahabang lamesa. Mukha namang kasya kami lahat dito. Pumwesto ako sa gitna para kita ko silang lahat.

"Celesti?" Napataas ang tingin ko ng tawagin ako ni Reynand.

"Hmmm? Bakit?" Taka kong tanong.

"Pwede bang umupo sa tabi mo?" Tanong nya. Medyo napakunot ang noo ko pero ngumiti agad ako.

"Sure." Sabi ko at tinapik pa yung kalapit ko. Mahaba din kasi yung upuan.

Nagsiupo na din ang lahat. Ganto ang pwesto namin.

Brick - Ace - Carlo - Jehann - Lorcan - Snow - Dos
Serge - Aayan - Reev - Shel - Dyosang ako - Reynand - Carl

Ok diba ang pwesto namin? Malayo sa magugulo. Pwera na lang kay Shel.

"KAINAN NA!" Sabay-sabay nilang sabi. Kumain agad ako dahil hindi ko na matiis ang gutom.

Wow! Ang saraaaaap!

"Oishi! Oishi!" Sabi ni Jehann. Nagtawanan kaming lahat sa kalokohan nya.

Puno ng tawanan sa lamesa namin ng biglang...

"ANO BA NAMAN KAYONG DALAWA!" Napatahimik kaming lahat sa sigaw ni Reev.

Napasilip ako sa kanya. Nakabusangot na yung mukha nya at nakatingin lang sya sa pagkain nya. Sa pagkain nya na punong-puno.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon