VIII. 1

33 4 0
                                    


(Celesti)

Club party na! Alright! HAHAHA excited ako dahil sa Club party sasabihin kung sino ang panalo sa Photography man/woman for the year! Hindi man ako manalo basta makita lang nila ang mga nacapture ko ok na ako. HAHAHA im so excited talaga.

"Celesti halika na! Nagmomonologue ka pa!" Si Dos yan. At oo nagsasalita sya ng mahaba ngayon dahil kinakabahan yan.

Ngayon na din kasi sasabihin yung sa Arts Club. Parang sa Photography lang.

"Oo na! Eto na!" Pagbaba ko sa hagdan nginitian ko sya. Sya naman nakatingin lang.

"Maganda ba? Hahaha tara?" Hinila ko na sya dahil nabighani na naman ang kapatid ko sa akin. Pero joke lang yun.

Nakasuot kasi ako ng dress na peach at nakaheels din ako. Simple lang naman eh. Nagdala din ako ng babagal na jacket dahil gabi ang party.

Eto naman lalaki na toh simpleng polo at jeans lang.

Sumakay na ako sa kotse. Si Shel nauna na. Susunduin pa daw nya yung date nya na si Reev. Si Reev naman tuwang tuwa!

Ewan ko nga sa school kung bakit required na may kadate ka sa Club party. Para daw kasing party na din yun.

At alam nyo ba kung sino ang date ko? Kung hindi pa sasabihin ko na sa inyo! HAHAHA si Lorcan! Ohmy! Hahaha gumawa kasi ako ng paraan para mapapayag sya.

Flashback

Yes! Uwian na din sa wakas!

Bukas na nga pala yung Club party. At! Required daw sa lahat na may date! Nabalitaan ko lang yan kay Reev dahil pumunta lang naman sya sakin ma kilig na kilig kanina. Niyaya daw kasi sya ni Shel. At nung nalaman ko yun agad ko namang pinuntahan sa table si Ahmet na nanlumo. Hahaha kaya inasar ko sya ng inasar.

At ayun na nga! Pinagdadasal ko ngayon na makita ko si Lorcan dahil gusto ko syang makadate! Myghad!

Patakbo naman akong pumunta sa Arts club.

Nakasalubong ko naman si Brick na nagmamadali.

"Tiyamyloves! Buti naman nakita kita dito. Pwede bang------" pinutol ko yung sasabihin nya.

"Wait! Mamaya na ok? May hinahanap pa ako eh." Pagkasabi ko nun umalis na ako.

Pagkapuntang pagkapunta ko dun nakita ko si Dos na kinakausap si Snow. Weird.

Nilampasan ko sila at pumunta kay Lorcan.

"Hi Diah!" Bati ko sa kanya ng nakangiti. Napatingin naman sya sakin at napaayos ng upo.

"Circe.. Anong ginagawa mo dito?" Ewan ko lang ha. Pero parang panlalaki ang boses nya ngayon.

"Ah. May date ka na ba sa Club party?" Tanong ko sa kanya with sweet voice.

"Ha? Wala pa. Bakit mo natanong?" Ok Celesti! Kalma lang. Easy-han mo lang.

"Gusto sana kitang makadate." Deretso kong sabi habang nakangiti pa rin.

"Bakit naman?" Pigil na ngiting tanong nya.

Shit! Oo nga noh? Kailangan kong makaisip. Bigla ko namang naalala si Brick.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon