XVIII.

18 3 0
                                    


(Celesti)

Napanganga na lang ako sa nakita. Grabe~

"Shit! TARA NA!"

Tumakbo kami pababa habang nagbabarilan ang iba. Tungunu pangaction talaga ang drama namin dito.

Bigla kaming nakarinig ng putok ng baril malapit samin. Shit! May bumabaril samin! Tumakbo kami sa may kusina at nagtago. Yung kasama naman namin lalaki biglang may inilabas na baril.

"BAKIT MAY BARIL KA?"

Gulat na gulat na nakatingin ako sa kanya. Jusko! Under age  pa lang yata sya!

"Importante pa ba yun? Gusto mo bang mamatay dito?"

Napairap na lang ako at tumingin kay Dos. Napabuntong hininga ako at nilapitan sya.

"D-dos?"

Hinawakan ko yung mukha nya at tumingin kay Shel. Bigla akong naiyak.

"S-sorry. Sorry d-dahil hindi ka na-naligtas ni a-ate. Sorry dahil wala ako sa tabi mo."

Niyakap ko sya. Sa totoo lang si Dos ang pinakamahina sa aming tatlo. Sya nga yung parang bunso sa amin e. Napapikit ako at pinahid ang luha na tumulo sa mga mata ko.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Kailangan naming makaalis dito.

Napatingin ako sa baril na hindi kalayuan sakin. Lumingon ulit ako sa paligid at dali-dali na kinuha ito.

What the? Ang bigat naman ne'to!

"ATE?!"

Napalingon ako kay Shel na dilat na dilat na nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit at dahan-dahan na lumapit doon sa lalaki.

Whoooo! Kaya ko to!

Kumuha ako ng baril na pakalat-kalat sa sahig kahit di ko alam kung pano gamitin basta ibabaril ko nalang.

Madami akong goons na nabaril at ngayon, ang Wicked Stepmom ko naman ang babarilin ko. Hayup sya! Kapal ng mukha nyang pakialaman kami.


"ATE SI KUYA DOS! PLEASE LANG! WAG MO NANG PANSININ ANG BABAE NA YAN! KAILANGAN NA NATIN MAKATAKAS DITO!" Sigaw sakin ni Shel at nakita kong nakikipagbugbugan pa yung lalaki na di ko kilala ewan.

Pero napatingin ako dun sa isang goon na nakatutok ang baril kila Shel. ANONG GAGAWIN NYA? Bago nya pa naputok ang baril sumigaw agad ako at tumakbo papalapit sa kanila.

"WAG!"

Nakaramdam ako ng pagkamanhid. Parang biglang sumakit yung kaliwang braso ko.

"A-ate..."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Napalingon naman ako sa kaliwang braso ko na dumuguan. Agad ko itong hinawakan para tumigil ang pagdurugo.

"O-okay lang a-ako."

Napapikit ako sa sakit. Napamulat ulit ako ng marinig ko na mas lumakas yung sigawan at barilan. Madami pa ba?

"THANK GOD NANDITO NA KAYO!"

Napatingin ako dun sa lalaking kasama namin. May kinakausap syang mga lalaki habang nakikipagbarilan. Yung iba tuwang-tuwa pa. NATUTUWA PA TALAGA SILA?

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon