Epilogue

16 1 0
                                    


(Reev)

Dear Panget,

Una sa lahat hindi sa huli. Siguro kapag nabasa mo'to wala na ako. I mean hindi sa mundong ito pero sa Pilipinas. Reev kailangan kong umalis. Hindi para sa akin pero para sa lahat. Siguro sa ngayon ang tingin mo sakin isa akong duwag. Pero hindi mo kasi naiintindihan. Kailangan ako ng napakaimportante sa buhay ko. Oo importante ka pero mas importante sya. Basta tandaan mo lang na babalik ako. Babalik ako para sayo. Pero siguro ngayon huwag mo muna akong hintayin. Baka kasi masaktan ka lang. Pagbalik ko sisiguraduhin kong ipapaliwanag kong lahat sayo. Basta tandaan mo na mahal kita.

Nagmamahal,
Gwapong Casimir

Pagkabasang-pagkabasa ko nun napaluha ulit ako. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Ano? Pati sya iiwan ako? At ano? Ang dali lang para sa kanya sabihin ang mahal kita? Ginagago nya yata ako e.

Binuksan ko yung kahon at bumungad sa akin ang isang notebook at mga pictures. Napakunot ang noo ko ng puro ako yung nasa pictures. What the? Stalker ko ba sya? Pero napangiti na lang din ako. Ibang klase talaga sya.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext sya.

To: Casimir
"Hihintayin kita."
Sent.


Pagkatapos kong tignan kung mga pictures yung notebook naman yung kinuha ko.

Ano naman kaya ito?

(Casimir)

Hindi lahat ng umaalis sumusuko na. May mga bagay na kailangan mo munang gawin para maiayos ang lahat. Aalis ako hindi dahil tumatakas ako sa mga mangyayari. Aalis ako para maiayos ang lahat.

Lumingon ulit ako sa labasan ng airport. Ito na, paalis na ako.

*beep*beep*

1 message received from Reev🐷

From: Reev🐷
"Hihintayin kita"

Napangiti ako sa nabasa ko. Siguro nakita na nya. Pinaghirapan ko talaga yun. Hindi man kami nakapagsama ng isang taon pero dadalhin ko hanggang pag-alis ang ala-ala namin sa isa't-isa.

*kriiiiiiing*kriiiiiing*

Kuya's calling...

Sinagot ko agad ito.

"Hello kuya Dos?"

"Paalis ka na?"

"Yeah bakit?"

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Brick?"

Napakunot ang noo ko ng bigla nya iyon itinanong sa akin.

"Ha! Ano naman paki ko sa kanya?"

Inis na tanong ko.

"Shel kaibigan mo pa rin sya. At hindi magbabago yun."

Napapoker face na lang ako.

"Yeah yeah yeah. Ano bang nangyari?"

Bored kong tanong.

"Na aksidente sya."

Napatigil ako at napatulala.

"Sige na. Ako ng bahala dito."

Pinatay na nya ang tawag. Napatingin na lang ako sa cellphone ko.

Na aksidente sya.

Nabalik ako sa ulirat ko ng tinawag na lahat ng pasahero. Nagumpisa na akong maglakad.

Napasabunot na lang ako sa nangyayari. Aalis ako ng madaming problema na kinakaharap.

Ganito ba talaga ang dapat mangyari sa buhay? Una si ate, ngayon naman si Brick.

Pero ito lang ang pinapangako ko. Hindi pa ito ang ending ng kwento namin. Madami pang magbabago. Madami pa akong dapat baguhin.


SAYA, LUNGKOT, SAKIT, GALIT, INIS AT TAKOT.

Yan ang malimit na nararamdaman namin.

Pero kahit ano pang dumating na pagsubok samin nandito pa rin ang isa't-isa at hindi nagiiwanan. Mga nagmamahal, nagaalaga at nagaalala sa isa't-isa.

Pero kahit anong gawin namin nasasaktan parin namin ang isa't-isa.

Kahit anong gawin namin hindi namin maiiwasan na iwan sila para sa kapakanan ng isa't-isa.

SAKIT dahil kahit sariling kaibigan kayang isakripisyo lahat para sayo.

MASAKIT oo. Pero lahat ng sakit mawawala din.

Ako si Casimir Cashel Maxfield. Eto ang MASAYA, MALUNGKOT, MASAKIT, NAKAKAINIS, NAKAKAGALIT AT NAKAKATAKOT na istorya namin.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod na kabanata. Magiging happy ending kaya? Or tragic na buhay?

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon