XXV.

16 2 1
                                    


(Celesti)

Nakasimangot pa rin ako hanggang ngayon. Nakauwi na kami pero naiinis pa rin ako.

Si Diah kasi eh! Pagkasabi nya ng mahal nya ako binawi din nya agad! Tinitignan daw nya kasi kung kakagat ako. Sya kaya kagatin ko? :3

"Hoy anyare ba sayo?"

Siniko ako ni Reev pero hindi ko pa rin sya tinitignan. Eh kasi naman eeeee.

Tumango-tango na lang sya at ngumiti. Problema ne'to?

Nagulat ako ng hampasin nya ako bigla.

"Ay oo nga pala! Hinahanap ka ni Brick kanina."

Napakunot ang noo ko at tinignan ko sya ng nagtataka.

Kailan ba ako titigilan ni Brick? GUSTO KO NG PEACEEEEE!

Pero napangiti naman ako ng maalala ko ang isang pangyayari. Lol 😂

"Kamusta naman kayo ni Ahmet?"

Ngumiti ako ng makahulugan. Namula sya bigla. Pfft. Itsura nya besh.

"A-anong ka-kamusta?"

Nagiwas sya ng tingin.

"Anong nangyari sa inyo kanina?"

Humarap ako sa kanya kaya paatras na ngayon ako. Sya naman naglalakad pa rin.

"W-wala! Ginawa lang namin trabaho na dapat gawin."

Napa-oo na lang ako. Hindi ko na nga yan itotopic. Ayoko ding pagusapan yung muktol na yun.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa tumigil na ako dahil nasa tapat na ako ng bahay. Naglakad lang kasi kami pauwi.

"Sige na babe. Pasok na ako sa loob."

Binuksan ko na yung gate at papasok na sana ng bigla syang nagsalita.

"Kung ano man yang nararamdaman mo huwag mong hayaang takluban yan ng pride mo."

Napakunot ang noo ko at nilingon sya.

Nakita ko syang naglalakad na palayo. Habang tumatagal nagiging weird yung babae na yun.

~~~~~~~~~~~~~~~

(Someone)

"Babe!"

Hinabol ko sya at sumabay sa paglalakad.

Nakakainis! Lagi ko na lang ba syang hahabulin?

"Babe uuwi ka na?"

Kumapit ako sa braso nya at tinignan sya. Makuha ka sa tingin please lang.

"Sa tingin mo? At huwag ka ngang humawak sakin. Pati huwag mo akong tatawaging babe kung hindi naman natin kaharap si Mom!"

Tinulak nya ako at binilisan ang lakad.

Hindi pa rin ako susuko! Ngayong tayo na at arrange na tayo hindi na kita papakawalan.

Hinabol ko sya at iniharap sakin.

"Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganto dati ha?"

Napapikit sya. Alam ko namang timping-timpi na sya sakin.

"Sabihin mo nga! Dahilba dun sa babaeng yun?"

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon