IX.

25 3 0
                                    


(Celesti)

*KRIIIIIING*KRIIIIIIING*

Arrrrggh! Bwiset talaga si Shel. Sunday ngayon bakit nilagyan nya ng alarm yung clock ko? Patay sakin yun.

Umupo ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. Pagtingin ko 43 missed calls and 67 messages. Galing lahat kay Brick.

Binasa ko isa-isa yung message.

From: Brick
"Tiyamyloves.."

"Pwede ba tayong magusap?"

"May sasabihin kasi ako."

Puro ganyan lang yung sinasabi nya sa message. Pero sa pinaka huling message nya dun ako nagtaka.

From: Brick
"Mahal na mahal kita Tiyamyloves. Ayaw kong mawala ka sakin. Pupunta ako dyan sa inyo. Gusto kitang makita."

Napakunot yung noo ko. Anong sinasabi neto?

Biglang may kumatok.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko biglang may yumakap sakin. (A: Sana ako na lang si Celesti. HAHAHA)

"Brick! Ano ba!" Tinulak tulak ko sya. Ano bang nangyayari sa kanya.

"Mahal na mahal kita Celesti!" Niyayakap nya pa rin ako kahit na tinutulak ko na sya.

"Brick hindi pwede! Ano ba!" Bigla nya akong tinulak sa may pader.

Shit! Ang lakas ng impact nun.

"Bakit hindi? Hindi mo ba ako kayang mahalin? Gagawin ko lahat. Lahat ng gusto mo." Lumapit pa sya sakin. Ngayon corner na ako.

"Brick please. Umalis ka dyan." Utos ko pero parang wala syang naririnig.

Nakahithit na naman yata toh ng katol.

"Mahal na mahal kita. At akin ka lang."

Pagkatapos nun hahalikan na nya sana ako kaso..

"WAAAG BRIIIIICK!"

*Tuuuug!* (Sorry sa sound HAHAHA)

Bigla akong nagising at napatayo. Bigla naman akong nauntog. Aray! Pero teka? Paniginip lang yun?

Nakita ko na lang si Brick dun na nakaupo sa sahig. Bakit sya nandito? Panaginip ba talaga yun?

"Aray ko naman Tiyamyloves! Ang tigas ng ulo mo." Tumingin pa sya sakin at ngumiti.

"Pero pati ba naman sa panaginip naaalala mo ako." Ngiting aso na naman sya.

Bigla ko naman sya binato ng unan. Bwiset na lalaking toh!

"Bangungot ang tawag dun! Tuwing napapaginipan kita binabangungot ako!" Hinagisan ko ulit sa ng unan pero nasalo nya.

"Hahaha sabihin mo na kasi yung totoo. Hindi ko naman ipagsasabi sa iba eh." Inirapan ko na lang sya.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tumayo na sya at umupo sa kama.

"Pinapagising ka na ng kapatid mo." Pagkasabi nya nun umalis na sya.

Tinanong ko kung bakit sya nandito pero iba naman ang sagot nya. Ang weird nun.

Anong oras na ba? Pagtingin ko sa cellphone ko nakita ko kung anong oras na.

9:03 am.

Naligo na agad ako dahil baka hindi ako makapagpigil at tamarin na ako. Hahaha

Pagkatapos maligo tumambay muna sa kwarto dahil alam kong nasa sala si Brick.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon