XXIV.

16 4 1
                                    


(Celesti)

"CELESTIIIIIIIIIIIII~"

Napalingon agad ako sa babaeng tumatawag sakin mula sa labas.

"Nasaan si babe?"

"Ah si Celesti po?"

"Yup yup yup!"

"Nandun po sya sa table nya."

"Oh salamat pogi. Mwuah!"

Tinignan ko kung sino yung nagiingay na yun.

"Anong ginagawa mo dito sa club namin?"

Napataas naman ang kilay ko. Mwehehe kunyari mataray. Che!

Nagaalinlangan pa sana sya ng biglang dumating si Ahmet.

"Kailan ko kasi ang tulong ng isang Photography member."

Nakita kong napatingin si Ahmet dito kaya nagiwas agad ng tingin ang bruha.

Nagpaparinig na naman siguro toh.

"Ah kasi... Busy ako! Baka si Ahmet walang ginagawa?"

Nanlaki ang mata ni Ahmet. Kahit si Reev ganun din ang reaksyon. Oh? Anong masama sa sinabi ko?

"Ah ano... Huwag na pala. Hehehe."

Aalis na sana sya ng magsalita si Ahmet.

"Ah ano ba yun? Wala naman akong ginagawa."

Napangisi agad ako. Wahaha!

"Oh yun naman pala eh! So ano na? Magkakahiyaan kayo dyan?"

Napaisip muna si Reev. Tumango-tango naman sya.

"Sige basta kasama ka!"

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya. Ano ako? Alalay nilang dalawa?

Napatingin kaming lahat sa pumasok. Omg! Si Diah!

"Ahhmm excuse me?"

"Yes sweetheart---- este Diah?"

Shit! Kahiya yun besh. Hohoho! Ako lang yung babaeng nahiya na tumawa pa.

"Hahaha palabiro ka talaga. Pwede bang magpatulong ang Arts sa inyo? Kahit isang member lang."

Napatingin ako kila Reev. May naisip ako.

"Sige ako na lang."

Nginitian ko sya. Sana mapansin mo ang beauty ko bakla ka!

"Hoy paano ako?"

Napatingin ako kay Reev na nakapout. Bahala ka dyan!

Pero napapansin ko lang ha. Sikat pala ang Photography club. Laging may humihingi ng tulong samin eh.

***************

Yaaaaay! Kapagod!

"Ok ka lang?"

Tumango lang ako at tinignan lahat ng pinicturan ko.

Kaya pala kailangan ng isang member namin dahil pipicturan daw yung mga views na ipapaint ng mga member ng Arts club.

Bakit kaya hindi na lang direct?

"Saan nga pala si Dos at Snow?"

Magkakasama kasi silang tatlo sa Arts club. Buti pa sila. Eh ako? Si Ahmet na nakakasuka ang mukha ang nakasama ko.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon