XXXVI.

5 0 0
                                    


(Celesti)

"Good morning everyone!"

Bati ko sa kanila pagkababa ko.

"Ang saya mo yata?" Tanong ni Shel.

Bati na kaming dalawa. Kaya pala sya umalis kagabi dahil nagtampo sya sakin.

"Duh! Ikaw kayang magkaboyfriend? Hindi ka ba magiging masaya?" Pagtataray ni Reev.

"Bakit? Hindi naman boyfriend ang hanap ko ha? Kundi ikaw." Sabay kindat nya kay Reev.

Napatawa na lang ako sa reaksyon ni Reev. Bigla kasing lumukot ang mukha.

"Che! Babaero!" Asar na sabi ni Reev at umalis na. Walk-out.

"Sundan mo kaya?" Taas kilay na sabi ni Dos. Tama ba yung nakita ko? Nakataas ang kilay nya?

"Oo na kuya Dos. Yun naman talaga ang gagawin ko eh."

Napailing na lang ako. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Good morning."

Bigla akong namula ng marealize ko kung sino iyon.

"Agang-aga naglalandian kayo dyan."

Biglang sabat ni Dos. Tinignan ko sya ng masama.

"Nahiya naman ako sa inyo ni Snow. Inaraw-araw nyo na." Ngumisi pa ako. Nagkatinginan silang dalawa pero agad ding nag-iwasan. Magkaaway sila?

"O sya tara na sa labas! Mag-iihaw pa tayoooo." Yakag ni Reev. Nauna na syang lumabas.

"Wait! Huwag nyong hahayaan si Reev ang mag-ihaw." Pigil ko sa kanila. Nagtataka nama silang tumingin sa akin. Ngumiti ako ng malawak.

"Baka kasi ubusin nya din lahat." Pagkasabi ko nun nagsitakbuhan na kami para pigilan si Reev. Hahahahahahahahaha! Haba ng tawa ko men.

***************

"Waaaaah! Busog na ako~"

Dumighal pa si Reev. Kadiri pa.

"Hindi ka ba naman mabubusog eh kinain mo na lahat."

Pang-aasar ni Shel. Napatawa kami ng habulin sya ni Reev papuntang dagat.

Napagitla ako ng may humawak sa kamay ko.

"Tara muna magsolo?" Bulong ni Brick sa akin. Namula ako bigla kaya napatingin ako sa mga kasama namin. Lahat sila nakatingin dito.

"Takbo!" Nagulat ako ng hilahin ako bigla ni Brick kaya napatakbo na lang ako.

"Hoy bumalik kayo!" Sigaw ni Diah. Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil baka madapa pa ako.

Nang makalayo na kami tumigil na kami sa pagtakbo. Grabe nakakapagod!

Tinignan ko si Brick na nakalawit na ang dila sa sobrang pagod. Tumingin sya sakin na parang ewan. Hindi ko na napigilang mapatawa.

"Hahahahahaha!" Napasimangot sya ng tumawa ako. Pero napatawa na din sya.

"Ikaw ha!" Napa-sigaw ako ng buhatin nya ako mula sa likod. Dinala nya ako sa may dagat. Bago nya pa ako maihulog nahila ko na din sya kaya pareho na kaming basa.

Nagkatitigan kami bago tumawa.

"Sana ganto na lang araw-araw Tiyamyloves." Nakangiting saad nya. Napangiti na lang din. Sana nga.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon