XI.

18 4 0
                                    


(Celesti)

Salamat! Natapos din. Grabe kakapagod pala magmusic video.

"Tara kumain/Kain tayo." Nagkatinginan kaming lahat kay Reev at Shel na sabay na nagsalita.

Napatawa na lang kami.

Kahit kailan talaga pagkain pa rin ang naiisip.

"Saan ba gusto nyo?" Tanong ni Brick.

"BAKIT MANLILIBRE KA BA?" Sigaw naming lahat except kay Snow at Dos.

"H-ha? H-hindi ah." Napaiwas naman sya ng tingin. Mapapasubok na naman sya.

"Nakoooo. Kung alam ko lang si Panget lang naman ang gusto mong ilibre." Asar ni Shel.

Bakit ako napasama?

"H-ha? W-wala nga a-akong ililibre." Nakaiwas pa rin sya at kinakamot ang batok nya.

Bakit ang cute nya kapag nahihiya.

Teka? Cute? No way!

"Dito na lang tayo." Sabi ni Dos at pumuntang kusina.

Ohmy! Magluluto yata sya. Kung alam nyo lang kung gaano kasarap magluto si Dos.

Sumunod agad ako kay Dos. Alam kong ayaw nya na pinapakialaman sya at nanggugulo. Pero masisisi nyo ba ako kung gusto ko ng katahimikan?

Umupo agad ako kung saan ako umupo kanina nung naguusap kami ni Shel.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Dos na kumukuha ng ingridients sa ref. Naririnig namin dito ang ingay ng mga kasama namin.

Napatingin ako sa pintuan ng sala kung saan nakarinig ako ng isang tawa. Tawa na minsan ko lang marinig. Tawa ni Snow. Minsan lang syang tumawa ng ganun dahil tahimik nga sya.

Napansin ko din naman si Dos na napatigil sa ginagawa nya. Sa mga nakaraang araw napapansin ko na malapit na ang loob ni Dos at Snow sa isa't-isa. Pero hindi kalapit na mapapatigil at mawawalan ng concentrate ang kapatid ko.

Bigla akong tumikhim at tumitig sa kanya. Napabalik sya sa ginagawa nya pero alam ko ang nasa isip nya. Kapatid ko sya at alam ko kung ano ang mga nararamdaman ng mga kapatid ko.

"Aminin mo nga sakin, anong meron sa inyo ni Snow?" Tinanong ko sya habang nakatitig pero parang hindi nya ito narinig at pinagpatuloy ang ginagawa nya.

"Napansin ko na nagbago ka simula nung lumipat kayo sa school." Pagpapatuloy ko pero ganun pa rin sya.

"Kapatid mo ako at nararamdaman ko. Pero sana sabihin mo din sakin para hindi ako malito." Doon sya napatigil.

Minsan ko lang sabihin na magkapatid kami dahil ang lumalabas lang naman sa bibig namin ay pangaasaran.

Pinagpatuloy nya na ang ginagawa nya pero nagsalita sya.

"Kapatid kita at dapat sinasabi ko sayo lahat dahil mas matanda ka. Pero hindi ko din kasi alam ang nararamdaman ko. At kung may nararamdaman man ako sa kanya, hindi naman pwede diba?" Napatulala ako sa sinabi nya. Tama sya.

Tumahimik na lang ako dahil wala na akong masabi. Ang dami kong naiisip pero hindi ko naman masabi.

Natapos sya na ang tahimik lang namin. Kahit isang salita walang maririnig samin.

Papunta na sana sya sa sala para tawagin ang iba pero nagprisinta na ako.

"Ako na. Ayusin mo na lang ang mga kakainan." Pumunta agad ako sa sala.

Naabutan ko sila na tumatawa habang nakatingin kay Shel at Brick na nagwrewrestling. Napangiti ako. Nakakainis man sila minsan, alam kong masaya ako sakanila.

Lumapit ako sa kanila at napansin naman ako ni Brick.

"Ikaw pala Tiyamy----" bigla syang itinumba ni Shel at dinaganan.

"Aaw!" Napapikit na lang si Brick dahil sa bigat ni Shel.

"Distraction makes you to lose." Sabi ni Shel at umalis na sa pagkakadagan kay Brick.

Pinunasan nya ang pawis nya at inayos ang buhok na nagulo.

Napatitig ako sa kanya. Anong sinasabi nya?

Tumingin sya sakin na akala mo na iinis. What? Ano na naman ang ginawa ko?

***********

(Casimir)

Bwiset! Bakit ngayon ko lang nahalata? Bakit ngayon ko lang nahalata na ang bestfriend at kababata ko ay may gusto sa nakakatanda kong kapatid? Naiinis ako sa sarili ko at kay Celesti dahil masyado syang maganda.

"Tara na daw kumain." Iniwas nya yung tingin nya sakin at ngumiti sa mga kasama namin.

Yan na naman sya sa ngiti nyang yan. Kaya kahit na anong gawin nya na pagsusungit walang naiinis sa kanya.

Tumayo na ang lahat pero si Brick nakatingin pa rin kay Panget (Celesti). Si Celesti naman nakakunot ang noo dahil nagtataka sya kung bakit nakatingin sa kanya si Brick. Isa din itong manhid eh!

Hinila ko na sya para matapos na ang kabaliwang ito.

Mahal ko si panget bilang kapatid at ganun din naman si Brick bilang kaibigan at gusto ko silang maging masaya. Pero hindi ngayon at kailan man. Alam kong masasaktan lang silang dalawa sa huli. Tapos dumagdag pa itong si Lorcan na halata namang gusto ni panget.

Umupo na si panget katabi ni Dos at paupo na sana si Brick sa tabi nya pero inunahan ko agad sya. Mas mabuti na ang ganto.

Tumingin sya sakin na nagtataka pero tinuro ko lang yung pagkain at ngumiti.

"Mas malapit dito ang pagkain eh." Naniwala naman sya at umupo na lang sa katabi ko. So ang arrangement namin ay

Snow-Lorcan-Reev-Ahmet
Dos-Panget-Ako-Brick

Nagumpisa na kaming kumain. Madami din palang niluto si Dos. So parang dinner na namin ito.

"Buti naman tapos na yung Advocacy Commercial natin. Ang hirap pala talaga nun!" Biglang bukas ni Brick ng topic.

"Paanong hindi tayo mahihirapan ang gulo gulo nyo." Sabi ni Reev at napairap pa. Napatawa na lang ang mga babae. Anong nakakatawa?

At doon na nga nagsimula ng kwentuhan. Tawanan, asaran at kahit sipaan sa ilalim ng lamesa ay hindi nakaligtas.

"Maiba tayo. Pagusapan naman natin ang lovelife ng isa't-isa." Napangiti si panget sa sinabi nya at sumulyap sa akin.

Nangaasar talaga sa ano? Nananahimik na ako dito eh.

"So mauna tayo kay Shel!" At tuluyan na nga syang napatingin sa akin at pati na rin yung iba na naghihintay ng sagot.

Nung hindi ako nagsalita bigla naman akong hinampas ni panget.

"Hindi ka ba magsasalita dyan? Idedescribe mo lang yung gusto mo o nahahangaan mo! Mahirap ba yun?!" Galit na sabi nya. Bakit sya nagagalit?

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Maganda sya. Maputi. Hindi sya mataba pero hindi din naman mapayat. Madami kaming pagkakapareho. Pero hindi ang nararamdaman namin sa isa't-isa." Napatahimik silang lahat.

Napangiti si panget. Hay naku!

************

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon