VIII. 2

17 4 0
                                    


(Snow)

Omg! Bilang isang babae kakabahan ka talaga magparty dahil may kadate ka. At yun ang nararamdaman ko ngayon.

Bakit ako kinakabahan? Yan ang tinatanong ko sa sarili ko ngayong naglalakad na ako papasok.

Nakita ko sila Celesti na nakaupo sa isang table. Wala pa si Reev at ang date nya ha?

"Snow~ May kadate ka ba ngayon para magpaganda ka ng ganyan?" Nakakahiya talaga toh -/////-

Nagpaganda ako hindi dahil sa kadate ko dahil yun sa kapatid nya. Hindi si Casimir yun. Yung isa pa. Ewan ko ba. Napagtanto ko na lang na crush ko sya. Crush lang naman.

"Meron. Yung pinsan ko." Umupo ako sa vacant seat. So dahil pahaba yung table, katapat ko si Calloway.

"Ha? Sino? Kilala ba namin yan."

Sasabihin ko ba? Pinilit lang naman ako ng pinsan ko eh. Abno kasi yun. At may kasalanan pa sakin yun. Sinaktan nya yung bestfriend ko. Gago yun pinaasa nya lang si Celesti.

Oo si Serge ang tinutukoy ko. Nung una nagalit ako sa kanya pero nung nakita ko yung dinanas nya nawala lahat ng galit ko.

"Ah si Serge.." Nakayuko kong sabi. Ayaw kong makita yung bestfriend ko na malungkot.

"Ah.." Tumahimik na lang sya.

Jusko! Kaya ako kinakabahan eh. Dahil alam kong dito uupo si Serge. Kaya nya ako ginawang date. Para daw makita nya ng malapitan si Celesti.

"Ayan na pala yung date mo eh." Sabi ni LJ. Kainis naman toh!

Tinignan ko si Serge at nakita ko syang nakatingin kay Celesti. Si Celesti naman nakatungo lang doon.

---------------

(Celesti)

Celesti naman eh! Bakit ka ba nagkakaganyan?

Wag kang magpapakaapekto!

"Babeeeeeeeee!" Napalingon ako kay Reev na kumakaway. Nawala tuloy yung nararamdaman ko.

Teka? Bakit si Ahmet yung kasama nya? Akala ko si Shel ang date nya?

"Babe! Nasaan yung kapatid mo? Nandito na ba?" Pagkalapit na pagkalapit nya iyon agad yung bungad nya sakin.

"Ha? Sino? Si Shel? Wala pa sya. Diba nga dapat magkasama na kayong dalawa ngayon?" Sabi ko at tinuro sya.

"Yun na nga eh. Si Ahmet na lang ang sumundo sakin dahil nasiraan daw ng sasakyan si Casimir." Paliwanag nya.

Napatingin naman ako kay Ahmet na nakaiwas ang tingin. Hahaha. Napangiti tuloy ako. Sabi na tatalab toh eh.

"Ehem. Ehem." Napatingin kami sa stage.

"Good Evening Student. Siguro naman alam nyo na ang mangyayari ngayon diba? Pero bago yun papakilala ko muna sa inyo ang mga bisita natin." At ayun nga. Ang daming umakyat sa stage at isa isang pinakilala. Ayoko talaga sa ganyan.

Pagkatapos nun may nagperform. Nagpaalam naman si Reev dahil magpeperform daw sila. Meron din kasi ditong pacontest. Abnormal yata yung principal namin.

"Ngayon naman. Ang magpeperform ay ang 3stars!" At lumabas na ang grupo ni Reev. 3stars? Sobrang corny naman nun!

Nagsigawan yung iba. Ang galing nila ha. Malinis ang pagkakasayaw nila. Pero si Reev nakangiti lang dun habang nagpeperform.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon