XXXVII.

8 1 0
                                    


(Celesti)

Nakakainis talaga! Uuwi na agad kami. Waaaaah! Pero mas nangingibabaw sakin ang pag-aalala para kila mom. Biglaan kasi nya kaming pinauwi.

"Celesti tara na!" Sigaw ni Reev.

Muli kong tinanaw ang dagat. Babalik ako. Dito, dito kami nagsimula.

"Oo nandyan na!" Sigaw ko pabalik.

Sumakay na ako sa sasakyan. Hindi na ako sumakay sa kalapit ng driver seat. Ayaw kasi ni Brick. If I know gagawin nya lang akong unan sa byahe.

"Babe dito ka!" Tapik ni Brick sa katabi nya. Umupo ako dito at pinitik ang noo nya.

"Huwag mo nga akong tatawagin ng ganyan. Nakakadiri!" Pag-iinarte ko. Ngumuso lang sya at inakbayan ako.

"Tiyamyloves na lang. Mas bagay diba?"

Napa-poker face na lang ako. Hindi na talaga nagbago.

"Tulog ka muna okay?" Sabi ni Brick at inihiga nya ako sa balikat. Pumikit ako.

Maya-maya lang... Nakatulog na ako.

*****************

"Tiyamyloves. Oy."

Nagising ako ng may tumapik sa pisngi ko. Nakita ko si Brick na nakangiti. Nagulat ako kaya nasapok ko yung mukha nya.

"Aaaaw."

Pang-aasar ng mga kasama namin. Sorry naman! Ang lapit kasi ng mukha nya kaya nasuntok ko na lang.

"Bakit mo naman ginawa yun?" Naiinis nyang sabi.

Napatingin ako sa mukha nya. Nagdudugo yung ilong nya kaya hinawakan ko ito.

"Shit sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko. Bigla naman syang napangiti kaya hinampas ko sya ng malakas.

"Ikaw naman kasi! Bakit kasi ang lapit ng mukha mo?" inis na sabi ko.

Nilapit nya ulit ang kanyang mukha sa akin kaya natampal ko ng mahina ang kanyang mukha.

"Kung may sasabihin ka na namang kakaiba huwag ngayon ok? Nagugutom na ako." sabi ko at inilayo ang kanyang mukha sa akin. Ngumuso lang sya at tinulungan akong makalabas sa sasakyan.

Paglabas na paglabas ko inasar agad kami ng mga kasama namin.

"Uuuuuy~ Ang sweet-sweet nemern nila." Pang-aasar ni Reev. Inirapan ko lang sya at tinulak. Pero! Nasa gilid nya pala si Shel kaya ang bruha bigla na lang nagblush.

"Ayiiiieeee~" Pang-aasar namin pareho ni Brick. Hahaha!

Pumasok na kami sa isang fastfood chain at nag-order.

Kumain na kami doon habang nagkukwentuhan.

"Guys bilisan nyo na sa pagkain. Baka abutan tayo ng ulan." napalingon kaming lahat sa labas pagkatapos sabihin iyon ni Diah.

Oo nga no? Ang dilim na ng langit.

Dali-dali na kaming kumain at agad na umalis. Hindi na sumabay ang Only Seven samin kasi may aasikasuhin daw sila.

Napatingin ako kay Reev na nakatingin lang sa may labas.

"Oy."

Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinapansin. Problema nito?

Hindi ko na lang din sya pinansin.

Nakarating na kami sa amin. Bumaba na kaming tatlo at nagpaalam sa kanila.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon