XIV.

28 3 0
                                    


(Brick)

Ngayon ko lang ulit syang nakitang ganun. At ayokong nagkakaganun sya.

Pagkatapos nyang sabihin yun umalis agad sya. At kami naman tahimik lang dito. Biglang tumayo si Dos.

"Sige. Mauna na kami." Tumayo na din ang iba at nagpaalam na.

Tahimik lang kaming lumabas. Nakita namin si Tiyamyloves na bumubulong kaya nilapitan ko agad sya at inakbayan.

"Ok ka lang?" Tanong ko ng may pagaalala.

Tumingin lang naman sya at lumapit na sa mga kasama namin.

"Tara guys! Gala tayo?" Yakag nya. Nagkatinginan naman kami at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.

Biglang nagsalita si Reev at hinila si Celesti sa labas.

"Tara babe! Alam ko may nagpeperform ngayon sa may Plaza." Tinignan nya kami isa isa.

"Ang init init sa plaza." Reklamo ni Snow. Ang creepy kapag nagsasalita sya. Mas mabuting hindi na lang sya magsalita.

"Wag ka na ngang magreklamo! Arte neto." Pabirong sabi ni Reev.

Yung totoo? Hindi kami makarelate ng mga lalaki.

Wala naman kasi kaming arte sa katawan katulad nila.

Naglakad lang kami papuntang plaza. Grabe ang daming nakatingin samin. You know. Nakaitim kasi kaming lahat.

"Grabe gwapo ko talaga." Pagmamayabang ni Casimir sabay tawa.

Hinampas naman sya ng mga babae. Tumawa na lang kami na nahuhuli.

Alam ko namang pinapagaan nya lang yung atmosphere kahit bigat na bigat na yung loob nya.

Nung makarating kami sa plaza agad na umupo yung mga babae sa isang bench. Tama nga si Reev. May nagbanda dito sa plaza. Rinig na rinig kasi namin yung sigawan kahit na malayo kami at mainit.

Lumapit ako kay Tiyamyloves at hinawakan yung kamay nya.

Dati ko naman ginagawa ito nung bata kami pero bakit parang iba ngayon yung nararamdaman ko?

Tumingin lang sya sakin at ngumiti. Akala ko aalisin nya yung kamay nya. Nagbago na kasi ang lahat eh.

Noong bata kami tuwing nalulungkot sya hinahawakan ko lang yung kamay nya para i-comfort. Hindi kasi ako marunong magcomfort noon.

"Uuuy~ May namumuo~" nagulat kaming dalawa ni Tiyamyloves. Pero mas nagulat ako nung bumitaw sya at lumipat sa ibang upuan.

Dati tuwing hinahawakan ko yung kamay nya hindi nya tinatanggal kahit inaasar kami ng mga kalaro namin. Kasi magkaibigan kami noon kaya mas pinagmamalaki nya pa na magkahawak kamay kami.

"Anong namumuo? Walang namumuo kasi nasasaktan si Casimir sa pagalis ni Ate Celesti sa kamay nya." Dugtong naman ni Calloway.

Dyan! Dyan sya magaling. Magsasalita lang kapag asaran na.

Ngumiti lang ako ng pilit kahit naapektuhan ako -_-

"Wag ako yung pagusapan nyo!" Umalis ako para bumili.

Ewan ko pero gusto kong bumili. Para makalayo lang at makaiwas sa kanila. Kapag kasi sa kanya na yung usapan masyado akong naaapektuhan.

Hindi ko namalayan na sumunod pala si Ahmet. Minsan ko lang syang makausap dahil nga napakaistrikto namin sa mga babae.

"Mahal mo ano?" Napalingon ako sa kanya.

Bumibili kami ng isaw at nastock kami dito dahil niluluto pa.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon