VIII. 3

13 2 0
                                    


(Reev)

Napangiti ako sa sinabi ni Babe. Hahaha

Sunod naman si Ahmet. Ano kaya ang kanya? Nung pumunta na sya sa unahan biglang lumabas yung picture ko.

Bakit ako?

Napatayo ako sa gulat. Pero umupo din ako.

Shit! Nalilito na ako!

"Ah ehem. Yung akin katulad lang ng kay Celestia." Ngumiti si Ahmet ng pilit.

Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung ano na.

"Pero hindi k-kaibigan." Nautal pa sya. Anong ibig nyang sabihin?

"Sya si Reev Caia Bonneville. Ang babaeng nagsabi sakin na 'Hindi lang sya ang tao sa mundo, makakahanap ka din'. Yan yung mga panahong binusted ako ng gusto ko nung 2nd year. Nakakatawa nga kasi kahit hindi pa kami magkakilala kinausap na nya ako at kinomfort. Pero mas natawa ako nung sinabi nya na makakahanap din ako. Kasi sya yung nahanap ko. Araw-araw na nakikita ko, araw-araw din na lumalalim yung pagtingin ko sa kanya. Hanggang sa nalaman ko na mahal ko na sya. Hindi ko lang masabi dahil baka mareject na naman ako. Na umasa na naman ako. Pero hindi ko tinigil na mahalin ko sya. Kahit na hanggang kaibigan lang ang tingin nya sakin. Masakit pero kaya kong tiisin para lang makasama ko sya. Hindi man ako manalo dito, atleast na ilabas ko din yung nararamdaman ko. Yun lang salamat."

Napatayo ulit ako. Nagtatapat ba sya? Bakit iba yung nararamdaman ko. Parang nagagalit ako. Gustong tumulo ng luha ko ng hindi ko alam ang dahilan.

Sa sobrang gulat ko umalis na lang ako.

-----------------

(Casimir)

Biglang tumayo si Reev nung nagtapat si Ahmet. Gagong lalaki na yun! Binibigla si Reev.

Ewan ko ba sa sarili ko. Nung simula ng makita ko sya na kasama ni Panget (Celesti) parang special na din sya sakin. Siguro dahil mahal sya ng kapatid ko.

Nagulat kami dahil biglang umalis si Reev.

Tumingin muna ako kay Celesti na nakatingin dito. Napatingin sya sakin at parang sinasabing sundan ko muna. Kaya no choice.

Sinundan ko sya at napadpad kami sa may Science Garden. Ngayon lang ako nakapunta dito. Wala kasing time.

Umupo sya sa tapat ng mga bulaklak at hinawakan ito.

Tumabi ako sa kanya kaso nakatakip ang ilong ko. Kung hindi nyo naitatanong allergic ako sa bulaklak.

Tinignan nya ako ng nagtataka. Nginitian ko naman sya.

"Hehe allergic kasi ako bulaklak. Kaya bawal kong maamoy."

Pagkasabi ko nun tumayo sya at umupo sa may upuan (syempre! Saan pa ba? Isip nga Casimir) opo na po author -_-

Yun nga. Umupo na sya at sinundan ko naman sya.

Tahimik lang kami at nakatingin sa mga stars.

"Naiinis ako." Napalingon ako sa kanya at nakita ko na parang iiyak na sya.

Sa buong buhay ko si Celesti at Mom pa lang ang nakikita kong umiiyak.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya.

"Naiinis ako sa sarili ko." Biglang tumulo yung luha nya. Tuloy-tuloy kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

Sa sobrang taranta ko niyakap ko sya. Shit! Bakit tuwing may nakikita akong umiiyak natataranta ako? Hindi ko alam gagawin ko.

The Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon